GMA Logo katrina velarde
Celebrity Life

Katrina Velarde remembers late husband Mike Shapiro: 'Para akong may mentor'

By Nherz Almo
Published September 26, 2024 9:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Louvre museum installs security bars on balcony used in October's heist
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

katrina velarde


Katrina Velarde describes life after death of her late husband: “Yun po ang isa sa mga madilim na chapter ng life ko.”

Sa unang pagkakataon ay nagsalita ang singer na si Katrina Velarde sa pagpanaw ng kanyang asawang si Mike Shapiro.

Kinumpirma ni Katrina noong November 2021 sa pamamagitan ng isang statement ang pagpanaw ng kanyang asawa, na kilalang American drummer at music producer. Ito lamang ang pagkakataong nagsalita ang tinaguriang “Suklay Diva” tungkol sa kanyang yumaong asawa, na pumanaw anim na buwan matapos silang ikasal.

Sa ginanap na press conference para sa kanyang upcoming concert na SiKat v. 3 nitong Martes, September 24, hindi naiwasang matanong si Katrina tungkol kay Mike. Sa nakaraang concert niya kasi, nagkaroon siya ng espesyal na segment tungkol sa pagmamahalan nila ng kanyang naging asawa.

“It was, of course, challenging po. 'Yun po ang isa sa mga madilim na chapter ng life ko,” paglalarawan ni Katrina tungkol sa kanyang naging buhay matapos ang pagkamatay ni Mike.

Patuloy niya, “Parang 'yung time ko na mag-isa lang talaga, without friends, just my son. Mahirap po 'yun.”

Sa kabila nito, nakahanap naman daw siya ng paraan para maibsan ang kalungkutan sa pamamagitan ng musika.

Kuwento niya, “Actually, ang galing nga, hindi ko rin alam kung paano ako [naka-recover]. Singing helps me a lot talaga. Kasi, parang after what happened, kumanta rin agad ako. Naaalala ko, concert ni Thyro [Alfaro], online concert ni Thyro. Pero it was very hard po that time.

“Pero ngayon po, 'yung pag-create po ng music, doing contents, 'tapos, collaborating with other artists, producing my own din po helps me. Parang 'yun ang naging healing [process] ko.”

Mike's influence

Aminado si Katrina na maganda ang naging impluwensiya sa kanya ng yumaong asawa.

Aniya, “Tinulungan ako ni Mike. Matagal ko nang kilala si… Shapi ang tawag ko sa kanya kasi Shapiro. Matagal ko nang kilala si Shapi even before naging kami noon. Para akong may mentor.

“Actually, noong tumira siya rito, sobrang na-amaze 'yung mga… maraming gusto siyang maging friend or maraming talagang natutuwa sila. Kasi, iba talaga ang knowledge niya. Kahit ako, natutuwa talaga. Hindi ko naman alam kung paano mag-produce, e, gumawa ng arrangement, paano sasabihin sa arranger na ganito ang gagawin.

“Sa kanya ko lang natutunan 'yon. Even 'yung mga taong may knowledge na, na-realize nila na, 'Ah, mayroon pa pala kaming hindi alam.' So, he really helped me, natulungan niya talaga ako ng malaki.”

Inilahad din niya ang kanyang paghanga kay Mike bilang isang music artist habang inaalala ang kanilang mga pinagsamahan.

Ani Kat, “It was a very good mentoring, nag-training ako. Sobrang workaholic ng taong 'yun, grabe. Pagkagaling ng studio, pag-uwi ng bahay, music pa rin. Hindi ko kaya 'yon. Kapag ako, minsan nape-fed up ako. Pero ngayon, I realized na ganito pala kapag sobrang dedicated ka sa ginagawa mo.”

Samantala, tingnan ang ilang touching tributes ng celebrities sa pumanaw na mga mahal nila sa buhay dito: