
May payo ang dating child stars na sina Paolo Contis at Kaye Abad sa mga taong nais pasukin ang mundo ng showbiz.
Ito ay kanilang pinag-usapan nang maging guest si Kaye sa Just In, kung saan host si Paolo.
Ayon kay Kaye, hindi basta-basta sisikat at kikita ng pera ang tao kapag nasa showbiz industry.
Maraming paghihirap ang haharapin kung gustong magtagumpay sa field na ito.
Photo source: Just In
Saad ng aktres, "Aminin natin, ang show business nakakabaliw siya, mahirap.
"Lagi kong sinasabi sa mga gustong mag-artista, it's not all about fame, it's not all about earning money."
Isa sa binigyang-diin nila ni Paolo sa episode na ito ay ang mga taong ginagawang dahilan ang pagtulong sa pamilya kaya nais pumasok sa showbiz.
Paliwanag ni Kaye, "Kasi, 'pag may nagtatanong, ano ang gusto mo, bakit gusto mo mag-artista? Kasi gusto ko pong makatulong sa pamilya ko. Hindi 'yun ganon."
Saad ni Kaye, kung hindi mo gustong umarte, hindi ka makakatagal sa industriya.
"Kung hindi mo talaga gustong umarte, wala kang patience, you will not survive, hindi ka magtatagal kasi mahirap mag artista.
"Akala nila masarap 'yung fame, akala nila pag arte madali lang, hindi siya madali."
Si Paolo naman nagsabing kailangan ng passion at dedication sa pag-arte bago makipagsapalaran sa showbiz.
Kung hindi, iba na lang ang pasukin na trabaho para makatulong sa pamilya.
"Gusto mong tumulong? Magtrabaho ka."
"No offense, kung gusto ninyo mag artista, make sure you love to act, you study.
"Pag-aralan mo umarte kasi hindi madali 'yung ginagawa namin.
"Kung gusto ninyong makatulong sa pamilya ninyo, magtrabaho kayo."
Dugtong naman ni Kaye, "May ibang ways na mas madali na hindi kayo mapapagod.
Pag-amin ni Paolo hindi madali kumita sa showbiz, di tulad ng inaakala ng mga tao, "Feeling ng tao easy money ang showbiz."
Saad pa ni Kaye, noong 13 years old siya PhP800 lang ang kaniyang kinikita.
"Nag-start ako kinikita ko 800 every Saturday. Ako pa magbabayad sa gas, ako magbabayad sa damit ko, wala kang kikitain, hindi madali."
Panoorin ang kabuuan ng episode ng Just In sa video sa itaas o sa link na ito.
Samantala, tingnan ang mga dating child stars noon na nanalo ng FAMAS award:
/p>
RELATED CONTENT:
Just In: Kaye Abad, masayang nagkuwento tungkol sa kanyang love life! | Episode 11
Just In: Kaye Abad, may pasabog tungkol kay Paolo Contis? | Episode 11