
Lumabas pa rin ang pagiging natural na komedyante ng Bubble Gang star na si Paolo Contis nang dumalo siya sa renewal of vows ng kaibigan niya na si Patrick Garcia at Nikka Martinez sa Boracay.
Ipinagdiriwang ng dalawa ang kanilang 10th wedding anniversary this year.
Sa Instagram Story ni Pao, humirit siya sa Tabing Ilog co-star niya na si Kaye Abad na suot ang isang yellow dress.
Komento ng Sparkle comedian sa kuha kay Kaye, “Anyare?? Bakit parang well done ka sa picture na to?? Kami mga medium rare!”
Ni-repost naman ito ng aktres sa IG page at tawang-tawa sa napansin ni Pao.
Sabi niya, “Ngayon ko lang napansin. Muntik nang mabura yung mukha ko. Hayup ka @paolocontis.”
RELATED CONTENT: Career journey of multi-faceted Sparkle actor Paolo Contis
Bukod sa Tabing Ilog, nakasama ni Paolo sina Kaye at Patrick sa pelikulang A Journey.
RELATED CONTENT: Patrick Garcia, Nikka Martinez, renew vows on their 10th wedding anniversary