GMA Logo House of Lies, Kayla Davies
Courtesy: Clare Cabudil, Gerlyn Mariano, GMANetwork.com
What's on TV

Kayla Davies expresses admiration for her co-stars in 'House of Lies'

By EJ Chua
Published February 18, 2026 11:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Canada PM Carney says Iran conflict a failure of the international order
AraBella: Pag-asa para kay Roselle | Teaser
Free train, bus rides for women passengers this March

Article Inside Page


Showbiz News

House of Lies, Kayla Davies


Bakit nga ba bilib si Kayla Davies sa kanyang mga katrabaho sa 'House of Lies'? Alamin dito.

Sa pagpapatuloy ng istorya ng House of Lies, makikilala na ang iba pang karakter sa intense drama.

Related gallery: A touch of classic family charm at 'House of Lies' mediacon

Isa sa kanila ang rising Sparkle star na si Kayla Davies na mapapanood bilang supporting actor sa serye.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Kayla, inilarawan niya ang kanyang co-stars at inilahad niya kung gaano siya ka-komportable sa set ng House of Lies.

Pahayag niya, “Sobrang saya ng experience mas lalo na kasama ko sina Ate Beauty [Gonzalez], Kuya Mike Tan, sobrang babait po nila. I just love everybody on set.”

Kasunod nito, ipinagmalaki niya ang husay sa pag-arte ng kanyang mga kasama sa serye at sabi niya, “It was really fun kasi lahat sila sobrang mabait and sobrang galing din nila.”

Inalala rin niya ang unang pagsalang niya sa taping, kung saan ayon sa kanya ay mabilis nilang natapos dahil na rin sa impressive acting skills ng lahat.

“I think my first sequence, naging sobrang bilis lang kasi ang galing din nila mag-acting,” sabi niya.

Samantala, ang House of Lies ay pagbibidahan nina Beauty Gonzalez, Mike Tan, Martin Del Rosario, at Kris Bernal.

Bukod sa kanila, napapanood din dito sina Snooky Serna, Jackie Lou Blanco, Lito Pimentel, Kokoy de Santos, at iba pang aktor.

Kasama rin ni Kayla sa serye sina Geo Mhanna at Angel Cadao.

Abangan ang karakter at mga eksena ni Kayla Davies sa intense drama.

Mapapanood ang House of Lies tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.