GMA Logo kayumanggi maria clara at ibarra
Source: benandbenmusic/IG
What's on TV

"Kayumanggi" ng Ben&Ben, handog nila sa 'Maria Clara at Ibarra'

By Marah Ruiz
Published February 18, 2023 6:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

UAAP: NU stuns UST, draw first blood in women's basketball finals
Barricade mulled below flyover, as DPWH sought to pay P1.9M debt

Article Inside Page


Showbiz News

kayumanggi maria clara at ibarra


Bilang fans ng 'Maria Clara at Ibarra,' inihandog ng Ben&Ben ang awit na "Kayumanggi" sa serye.

Isang malaking regalo ang natanggap ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra mula sa Filipino folk pop band na Ben&Ben.

Source: benandbenmusic/IG

Bilang big fans ng serye, ipinagamit ng Ben&Ben nang libre ang kanilang awit na "Kayumanggi" sa Maria Clara at Ibarra.

Ang "Kayumanggi" ay tungkol sa pagyakap sa ating identity bilang mga Pilipino kaya angkop ito sa tema at mensahe ng serye.

Ang awit ay mula sa Pebble House, Vol. 1: Kuwaderno, ang second studio album ng Ben&Ben.

Panoorin ang Maria Clara at Ibarra music video ng "Kayumanggi" ng Ben&Ben dito:

Isang linggo na lang ang nalalabi bago ang pagtatapos ng Maria Clara at Ibarra.

Naghahanda na si Simoun (Dennis Trillo) sa balak niyang pagpapasabog sa isang piging sa San Diego sa tulong ni Basilio (Khalil Ramos).

Tuluyan bang mababago ni Klay (Barbie Forteza) ang takbo ng kuwento?

Patuloy na tumutok sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad. May simulcast din ito sa digital channel na Pinoy Hits, habang mapanood naman ang same-day replay nito Lunes hanggang Biyernes, 9:40 p.m. sa GTV.

Maari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.

SAMANTALA, NARITO ANG MGA BAGO AT NAGBABALIK NA KARAKTER SA EL FILIBUSTERISMO ARC NG MARIA CLARA AT IBARRA: