GMA Logo Kazel Kinouchi Jillian Ward
What's on TV

Kazel Kinouchi at Jillian Ward, hindi na nagpapansinan sa set ng 'Abot-Kamay Na Pangarap'?

By Jimboy Napoles
Published October 11, 2023 6:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation builds four new classrooms in Bohol this year
Balitang Bisdak: December 15, 2025 [HD]
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Kazel Kinouchi Jillian Ward


Kumusta nga ba ang relasyon sa totoong buhay ng Abot-Kamay Na Pangarap stars na sina Kazel Kinouchi at Jillian Ward?

Sinagot ng kontrabida rising star na si Kazel Kinouchi ang tanong kung kumusta ang relasyon nila sa totoong buhay ng kaniyang co-star na si Jillian Ward sa sinusubaybayang GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Matatandaan na si Kazel ang gumaganap bilang si Zoey Tanyag ang isa sa kontrabida sa buhay ni Analyn Santos na ginagampanan naman ni Jillian.

KILALANIN SI KAZEL KINOUCHI SA GALLERY NA ITO:

Sa Fast Talk with Boy Abunda, nilinaw naman ni Kazel na maayos ang relasyon nila ni Jillian at pawang trabaho lamang ang ginagawa nilang intense na cat-fight scenes sa nasabing serye.

“You have very intense scenes with Jillian Ward, sampalan, sabunutan. Una, ang tanong ko, paano ninyo pinaghahandaan 'yun and after the scene, what happens?” tanong ni Boy Abunda kay Kazel.

Sagot naman ng aktres, “So for example, sampalan, sabunutan, si Jillian pa 'yung nagsasabi na, 'Sige Ate, lakasan mo.' Kunwari minsan, napapansin din ni direk na, 'You have to do it all over again,' kasi halata raw na hinihinaan. Tapos biglang siya [JillianWard] na ang magsasabi sa akin na, 'Sige na Ate, okay lang.'”

Dagdag pa ni Kazel, “So after the scene, after we do it kunwari nasaktan siya, parehas kaming nagso-sorry agad, and kami with all other actors also kunwari si Tita Pinky kasi merong time na sinampal niya ako na anak niya e, sabi ko, 'Tita Pinky just do it.'”

Paglilinaw pa ni Kazel, magkapatid na ang turingan nila ni Jillian sa loob at labas ng kanilang trabaho.

Aniya, “She's like my little sister. Ako ang Ate, so Ate Kazel.”

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.