
Sina Kapuso stars Kazel Kinouchi at Prince Clemente ang bibida sa bagong episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Sa episode na pinamagatang "The Heartbreak Shop," gaganap si Kazel bilang Tintin na bagong hiwalay sa kanyang boyfriend.
Regular customer siya sa Heartbreak Shop, isang cafe kung saan puwedeng magbasag at humagulgol para maglabas ng sama ng loob.
Si Prince naman ay si Epoy, ang owner ng shop. Unti-unting nababawasan ang mga customers ng cafe kaya't binabalak ni Epoy na isara ito.
Dahil ayaw ni Tintin na mawala ang isa sa mga paborito niyang lugar, tutulungan niya si Epoy na palakasin muli ang cafe.
Maililigtas kaya nila ang Heartbreak Shop? Paano kung may maidulot pala itong pasakit sa iba?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "The Heartbreak Shop," October 6, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.