
It was a moment to celebrate, kaya time out muna sa puksaan dahil ipinagdiwang ng team ng My Father's Wife ang birthday ng kanilang lead star na si Kazel Kinouchi!
Sa isang web exclusive video, sinorpresa ng production and cast ang birthday girl sa kanilang taping.
Ang tumatayong nanay ni Kazel sa soap na si Maureen Larrazabal, may mensahe para sa kaniyang co-star.
Sabi niya, “Anak sa dahil sa mahal na mahal kita talagang naghanda kami ng espesyal na papiging para sa'yo. Happiest Birthday. I love you very much. I hope you enjoy your party.”
Wish naman ng seasoned TV-movie actor na si Gabby Concepcion na gumaganap na Robert sa serye na mas marami pa sanang birthday ang kanilang ipagdiwang kasama si Kazel.
Ani Gabby, “Sana maraming birthday ang gaganapin natin dito sa set na paulit-ulit. Birthday niya uli next year. Happy Birthday, Kazel, mag-enjoy ka sa birthday mo. Nandito kami lahat para sa'yo okay. May you have many more birthdays to come.”
Samantala, maraming fans ng My Father's Wife ang excited matapos ianunsyo na makakasama sa drama series si Dina Bonnevie na gaganap bilang Vivian.
Magiging reunion ito para kina Dina at Kazel na parte ng high-rating daytime drama na Abot-Kamay na Pangarap (2023-2024).
Abangan ang paglabas ni Vivian sa My Father's Wife sa GMA Afternoon Prime, Monday to Saturday sa oras na 2:30 p.m., after It's Showtime. 1BA ANG UNA!
RELATED GALLERY: WHO IS KAZEL KINOUCHI