
Betsy, bagong UH host-mate?
Mapapanood sa Unang Hirit ang versatile Sparkle actress na si Kazel Kinouchi bilang guest host ng award-winning Kapuso morning show.
Sa panayam kay Kazel ng UH barkada, napakuwento rin siya sa viral scene nila ni Kylie Padilla sa My Father's Wife noong September 6 na binansagan ng fans na 'palengke wars.'
Ano nga ba ang memory niya nang mag-taping sila noon?
“Super intense!” sabi ni Kazel.
Dagdag pa niya, “Kasi, mabigat 'yung eksena saka madaming tao. Actually 'yung pata na 'yun, totoong pata, pero 'yung knife ko hindi naman siya totoo.”
Ngayong nasa finale week na ang My Father's Wife, time naman para daw tuparin ni Kazel ang dream niya na maging host.
Kaya naman nang makatanggap siya ng invite sa UH ay agad siyang pumayag.
Sabi niya, “Alam n'yo po, I'm super happy kasi pangarap ko maging host. Kaya nung in-invite ako dito since 'tapos na 'yung taping namin sa My Father's Wife, nag-oo agad ko. At saka looking forward na gumising nang maaga palagi.”
Related Content: Who is Kazel Kinouchi?