
Maraming bumilib sa husay ni Kazel Kinouchi sa pagganap niya bilang Betsy sa My Father's Wife, ang pinakabagong GMA Afternoon Prime series na .
Ilan sa mga eksena niya sa pilot week ang viral na ngayon sa TikTok, lalo na ang confrontation scene nila Kazel at ang gumaganap niyang ina sa soap na si Maureen Larrazabal.
Nagalit kasi si Betsy nang kunin ng kanyang nanay na si Susan (Maureen Larrazabal) ang pera niya para gamitin sa kinakasamang lalaki.
Umabot na sa mahigit 3.5 million views sa TikTok ang eksena ng dalawa na ipinalabas sa My Father's Wife.
@gmanetwork Ang chaotic ng relasyon ni Betsy sa Nanay n'ya. 😅 #MFWFatefulEncounter #MyFathersWife #GabbyConcepcion #KyliePadilla #JakRoberto #KazelKinouchi #fyp #foryou #kapuso #gmanetwork
♬ original sound - GMA Network
@gmanetwork Ang sakit sa ulo ni Betsy! 😭 'Di ba uso ang background check bago sumama sa AFAM? #MFWAfamGoal #MyFathersWife #GabbyConcepcion #KyliePadilla #JakRoberto #KazelKinouchi #fyp #foryou #kapuso #gmanetwork
♬ original sound - GMA Network
Mapapanood ang My Father's Wife tuwing Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng It's Showtime. Maaarin ring balikan ang pilot week ng GMA Afternoon Prime series sa official showpage nito.
Related gallery: Get to know Sparkle star Kazel Kinouchi