GMA Logo KC Concepcion
Source: kristinaconcepcion/IG
What's on TV

KC Concepcion describes her Mr. Right: 'Someone na maalaga and provider'

By Kristian Eric Javier
Published October 30, 2025 3:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile wildfires kill 19 amid extreme heat; scores evacuated
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

KC Concepcion


May parameters na si KC Concepcion para sa kaniyang Mr. Right! Alamin kung ano-ano ang mga iyon dito.

Ngayon na handa na si KC Concepcion na ibahagi ang kaniyang buhay sa taong deserving dito, sino nga ba para sa singer-actress ang kaniyang Mr. Right?

Sa pagbisita ni KC sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, October 29, sinabi ng aktres na gusto niya ng isang tao na “deserving dahil alam niya kung paano ako mahalin.”

“I think natuto rin akong magmahal through the years with every relationship na dumating sa buhay ko. Natuto talaga akong mag-trust at magmahal, natuto ako kung ano 'yung weaknesses ko, kung saan ako nagkukulang, kung saan ako puwedeng mag-improve, kung ano 'yung mga takot ko dati,” sabi ni KC.

Kaya naman, sabi ni King of Talk Boy Abunda kay KC, “You talked about Mr. Right. Sige nga, i-describe mo.”

“Preferably po someone na kilala ko na po, preferably someone na maalaga and provider po na mararamdaman ko po na lalaking-lalaki siya at babaeng-babae po ako,” sabi ni KC.

Nilinaw naman ng singer-actress na wala pa siyang Mr. Right ngayon, ngunit ipinangako sa batikang host na sasabihin niya kaagad kapag meron na.

“I think he's just there. I think the love that I would end up with and that I would marry is just waiting there for me,” sabi ni KC.

BALIKAN ANG SELEBRASYON NG IKA-40 NA KAARAWAN NI KC SA GALLERY NA ITO:

Dagdag pa ni KC, nag-iiwan siya ng video messages sa kaniyang future husband sa kaniyang phone.

“Kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon, just know that I'm praying for you.' Tapos pinagpe-pray ko siya. Gumagawa ako ng videos na one day, ibibgay ko sa kaniya kung sino man siya,” sabi ni KC.

Pagpapatuloy pa niya, “Vini-visualize ko siya, Tito, naniniwala ako na nandiyan lang siya and one day, nandito na rin siya.”

Panoorin ang panayam kay KC dito: