GMA Logo KC Concepcion
Celebrity Life

KC Concepcion gives a tour of her first condo unit

By Maine Aquino
Published November 22, 2023 2:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

From DongYan to Carla Abellana, here are some 2026 celebrity predictions by a Feng Shui expert
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

KC Concepcion


Alamin ang kuwento ng real estate investment ni KC Concepcion.

Binalikan ni KC Concepcion ang kaniyang condominium unit na napasakanya noong siya ay nasa kaniyang 20s pa lamang.

Ayon kay KC, ang kaniyang condo tour video ay para magbigay inspirasyon sa mga tao.

Ibinahagi ni KC ang kaniyang updated condo unit sa kaniyang YouTube channel. Ani KC, "The reason kung bakit dinala ko kayo dito is because gusto kong ikuwento sa inyo para ma-inspire kayo."

Inilahad pa ng celebrity-entrepreneur na si KC kung bakit magandang makapag-invest sa isang property.

"'Yung mga Gen Z ngayon na nagwo-work na, or 'yung mga millennials na patuloy pa rin na nagtatrabaho. I want you to hopefully make real estate, wow, ang laki real estate 'no? Parang nakaka-intimidate 'no 'pag sinabing real estate. Pero actually ang ibig lang sabihin nu'n guys is to have a space of your own. Sana isa 'to sa mga maging goals ninyo because you're so hard working and I know you love what you do. If you don't love what you do, all the more na kailangan masaya kayo sa fruits of your labor."

Ang pag-invest sa real estate ay turo raw ng ina ni KC na si Sharon Cuneta.

"Ito 'yung isa sa mga pinaka-priority ko na itinuro sa akin ng mommy ko. To put my money into a condo or kahit hindi condo basta property."

RELATED GALLERY: IN PHOTOS: KC Concepcion's life in the U.S.



Pag-amin pa ni KC ito ang una niyang investment na ngayon ay source of income na niya.

"At least ngayon, mayroon na akong income na pumapasok from this place and because pina-refresh namin, na-welcome ko kayo."

Para kay KC, ito ang property na hindi niya pakakawalan dahil sa alaalang ibinigay nito sa kaniya.

"Hindi ko ito pakakawalan kasi may blessing 'to ng mommy ko, ng daddy ko and fruits ng labor ko 'to sa pag-aartista.

Dugtong pa niya, "Ito 'yung very first time na naiyak ako noong natapos ko siya at sinara na 'yung pinto at naiwan ako sa loob. I cried kasi hindi ako makapaniwala na I can hold the keys to my own place na talagang akin."

Sa huli ay nagpasalamat si KC sa mga gumabay sa kaniya lalo na sa kaniyang ina na si Sharon para mag-invest sa real estate.

"I want to thank my parents of course for teaching me how to do this. I want to thank my mom for being a great example of investing in real estate. She made it a reality for me because she taught by example."

Panoorin ang updated condo unit ni KC dito: