What's on TV

KC Concepcion, ibinahagi ang kaalaman tungkol sa sustainable home cooking and dining

By Maine Aquino
Published January 12, 2021 12:01 PM PHT
Updated January 31, 2022 11:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend Express: December 21, 2025 [HD]
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

KC Concepcion and Dingdong Dantes in Amazing Earth


Panoorin ang kwentuhan nina KC Concepcion at Dingdong Dantes sa episode ng 'Amazing Earth.'

Nagkasama sina KC Concepcion at Dingdong Dantes para bigyang pansin ang isa sa mga importanteng usapin ngayon sa ating mundo, ang sustainable home cooking and dining.

Si KC na kilala bilang kauna-unahang Pilipino na kinuha ng United Nations World Food Programme para maging National Ambasssador against hunger ay nagbahagi ng kanyang kaalaman nitong January 30 sa Amazing Earth.

Kuwento ni KC, nagsimula siyang magbigay ng kanyang kaalaman tungkol sa sustainable home cooking and dining sa kanyang vlog. Nangyari ito nang makatanggap umano siya ng email para magbahagi ng kanyang kaalaman sa kanyang YouTube channel.

Photo source: @itskcconcepcion

“It was really a surprise. In the middle of lockdown nakakuha ako ng email from World Wide Fund for Nature Philippines na kilalang ahensya or kilalang organization na nagpoprotekta sa environment natin. I was very happy to hear na meron nga silang gustong ituro sa mga tao o serves as a guide kung paano natin matutulungan 'yung mother earth natin tsaka 'yung mga frontliners rin natin kasi 'yung mga farmers and fishermen, 'di ba?”

Binigyang diin ni KC na ang sustainable home cooking and dining ay importante pero hindi umano ito masyadong nabibigyang pansin ng nakararami.

“This is something na hindi napag-uusapan lagi pero actually importante siya. 'Yung relationship natin sa pagkain, may connection doon sa taong nagtanim ng gulay or ng kung anong kinakain mo.

Dugtong pa ng aktres at host, “'Yung mga fishermen na alam mo 'yun, dugo't pawis nila para mahuli nila 'yung mga isda sa hapagkainan ng mga tao. So it was very interesting to see the behind the scenes kung saan nanggagaling yung pagkain natin, 'di ba?”

Ikinuwento rin ni KC ang mga issues na kanyang natutunan na nangyayari umano sa iba't ibang bahagi ng mundo.

“Sa States, or sa Europe or sa England, meron na ngang issue na 'yung mga bata hindi na alam yung hitsura ng totoong fruits at vegetables.

“Ang alam lang nila 'yung na-chop-chop na sa grocery. Pero 'pag nakita na nila diyan, 'yung mga halaman, 'yung mga plants, 'yung mga puno, 'yung mga bunga, hindi nila ma-identify, 'yun 'yung natutunan ko.”

Ayon kay KC, natutunan niya rin ang survival garden na napapanahong usapin ngayon dahil sa pandemic at ang pag-lockdown.

“May tinatawag silang survival garden na puwede pala talagang magtanim ng fruits at vegetables sa garden, Posible palang nasa condo ka, at nasa city ka pero may mga garden kang ginagawa na sa balcony mo or sa garden mo lang na 'yun 'yung gagamitin mo or kakainin mo.”

Panoorin ang iba pang kuwento ni KC sa video ng episode na ito ng Amazing Earth.

KC Concepcion flies to Amanpulo to surprise Sharon Cuneta

KC Concepcion shares tips for buying luxury bags