
Makakasama ni Dingdong Dantes sa isang interview si KC Concepcion sa kanyang programa na Amazing Earth.
Sa Instagram post ni KC ay ipinakita niya kung ano ang dapat abangan ng mga manonood sa kanyang pag-guest sa Amazing Earth.
Saad ni KC sa kanyang caption, “Eyyy I'm back on TV for a special guesting Catch me on @gmanetwork's AMAZING EARTH for a chat ab some v impt things with @dongdantes!"
Photo source: Amazing Earth
Ang actress at humanitarian na si KC ay magbabahagi ng ilang detalye tungkol sa kanyang ginagawang home cooking. Ikukuwento niya rin ang kanyang kaalaman sa sustainable cooking.
Mapapanood rin sa episode na ito ang mga bagong kuwento ni Dingdong sa Amazing Earth tungkol sa Incredible Animal Moments.
Abangan si KC bilang Amazing Earth hero at ang mga kuwentong amazing ni Dingdong sa Amazing Earth ngayong Linggo, 5:25 p.m. sa GMA Network.
KC Concepcion flies to Amanpulo to surprise Sharon Cuneta
Dingdong Dantes shares precious moment with son Ziggy