What's on TV

KC Concepcion, mapapanood sa GMA Network ngayong January 30

By Maine Aquino
Published January 8, 2021 2:50 PM PHT
Updated January 28, 2022 7:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Malaysia requires social media age checks barring under-16 accounts
Marian Rivera, Max Collins, Kris Bernal, more stars shine at grand launch of luxury home scent brand
Farm to Table: (May 31, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

KC Concepcion and Dingdong Dantes


Abangan si KC Concepcion at si Dingdong Dantes sa 'Amazing Earth.'

Makakasama ni Dingdong Dantes sa isang interview si KC Concepcion sa kanyang programa na Amazing Earth.

Sa Instagram post ni KC ay ipinakita niya kung ano ang dapat abangan ng mga manonood sa kanyang pag-guest sa Amazing Earth.

Isang post na ibinahagi ni KC ~ also, KRISTINA. (@kristinaconcepcion)

Saad ni KC sa kanyang caption, “Eyyy I'm back on TV for a special guesting Catch me on @gmanetwork's AMAZING EARTH for a chat ab some v impt things with @dongdantes!"

KC Concepcion and Dingdong Dantes

Photo source: Amazing Earth

Ang actress at humanitarian na si KC ay magbabahagi ng ilang detalye tungkol sa kanyang ginagawang home cooking. Ikukuwento niya rin ang kanyang kaalaman sa sustainable cooking.

Mapapanood rin sa episode na ito ang mga bagong kuwento ni Dingdong sa Amazing Earth tungkol sa Incredible Animal Moments.

Abangan si KC bilang Amazing Earth hero at ang mga kuwentong amazing ni Dingdong sa Amazing Earth ngayong Linggo, 5:25 p.m. sa GMA Network.


KC Concepcion flies to Amanpulo to surprise Sharon Cuneta

Dingdong Dantes shares precious moment with son Ziggy