
Ilang taon na rin ang nakalipas nang maka-graduate ang host-actress na si KC Concepcion mula sa sa kolehiyo.
Pero kamakailan lang niya nakuha ang kanyang diploma.
"Ten years after graduating from the American University of Paris, she finally picked her diploma up from her school," paliwanag ni Sharon.
Na-delay ito dahil sa isang pagkakamali sa spelling ng pangalan ni KC.
"They had misspelled her last name with a “t,” turning it into “Conception.” They redid it and kept the diploma in the school vault all these years," pagpapatuloy ni Sharon.
Bisperas ng Pasko ngayong taon nang sa wakas ay maipakita na ni KC sa kanyang mommy ang katunayan ng kanyang pagtatapos.
"She gave it to her Mama on Christmas Eve. Mama is so proud and touched! I Love you, my baby @itskcconcepcion! Thank you from the bottom of your loving Mama’s Heart," proud na pagtatapos ni Sharon.
Natapos si KC ng Bachelor of Arts in International Communications sa American University of Paris.