
Masaya ngayon ang aktres na si KC Concepcion sa kanyang bagong love life. Ngunit ayon sa aktres ay maingat pa rin siya sa paglabas ng kahit anong detalye tungkol dito dahil “masyadong maraming nangyayari.”
“Bago lang kami nag-meet so it's really nice to get to know someone, to have someone you know be there in my every day and to really have someone also to share my happiness with,” pagbabahagi ni KC sa Updated with Nelson Canlas.
Dagdag pa ng aktres ay wala pa siyang maikukwento dahil wala pa naman silang pinag-uusapang “next step.”
“Hindi siya cinematic, hindi siya kasing exciting ng kuwento ng nanay at tatay ko,” sabi nito.
Abril nang unang lumabas ang usap-usapan tungkol sa rumored boyfriend ni KC na si Steve Michael Wüthrich, isang Filipino-Swiss businessman, nang mag-post ang actress ng isang Instagram reel kung saan makikitang naglalakad sila ng magkasama.
Caption ni KC sa post, “Happy Valentines, beautiful people.”
August naman nang magbakasyon si KC sa France para bisitahin ang mga kaibigan sa bansa, at napansin ng netizens na kasama pa rin nito ang rumored boyfriend na si Mike.
Sa interview ni KC sa Updated with Nelson Canlas podcast, ibinahagi niya ngayon lang niya naramadaman “'yung feeling na parang ninu-nurture mo lang yung friendship or 'yung meron kayo.”
“'Yung walang ibang distraction and you know you would want the person to get to know you for you. Not really for the artista you,” sabi nito.
Dagdag pa ng aktres, “I'm very careful not to put everything out there too much kasi baka mamaya, you know, mamatahin ka for what you are instead of who you are, ayoko ng ganun.”
Pakinggan ang buong interview ni KC dito: