
"Yung radio show ko, I just resigned last Friday, [August 4]," bungad ng nagbabalik telebisyon na si KC Montero matapos ang sampung taong hindi siya napapanood sa mga teleserye.
Ayon kay KC, ginawa niyang priority ang kanyang bagong Kapuso show na Alyas Robin Hood. "It (taping) is three times a week so it would be unfair if I show up twice a week on a daily radio show," paliwanag niya.
Kuwento pa niya, ang Alyas Robin Hood na raw ang sa tingin niyang magiging pinakamatagal na exposure niya sa isang teleserye. "With the possibility of running in the whole show, yes, it will definitely be my longest and most serious role," pahayag niya.
Sa pamamagitan ng isang Facebook post, nagpaalam si KC sa kanyang radio show at sa avid listeners nito. Kasunod niyang inanunsyo ang pagiging kabilang niya sa Alyas Robin Hood.
Abangan si KC bilang Rigor sa Alyas Robin Hood, ngayong Lunes na, August 14, sa GMA Telebabad.