
Ready na sa mainit na aksyon ang VJ-actor na si KC Montero na makakasama sa hit GMA Prime series na The Master Cutter na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.
Nagkasama na sina KC at Dingdong sa isa pang action-packed primetime series na Alyas Robinhood noong 2017 kung saan gumanap si KC bilang Rigor.
READ: Actor-VJ KC Montero, may ni-reveal tungkol sa bida ng 'Alyas Robinhood' na si Dingdong Dantes
Sa The Master Cutter naman, gaganap si KC bilang Samir. Kasama ang karakter niya sa pag-infiltrate ni Atoy (Dingdong Dantes) ang embadaha ng isang fictional country na Zahran para mahanap ang isang laptop.
Sa panayam sa kaniya ng 24 Oras, masayang ikinuwento ni KC ang naging taping experience niya sa GMA Prime soap.
Aniya, “I'm super happy to be back working with Dong as a friend [and] as a brother. Super happy and si Max [Collins] also.”
“I was telling everybody sa set ng The Master Cutter sobrang walang tensyon, walang stress.”
Panoorin ang simulcast airing ng The Master Cutter sa GMA, GTV, Heart of Asia, and I Heart Movies sa oras na 8:00 p.m..
Related gallery: The Master Cutter's most irresistible actors