GMA Logo Kean Cipriano, Chynna Ortaleza, Stellar Cipriano, Salem Cipriano
Celebrity Life

Kean Cipriano pens message for Chynna Ortaleza and kids on Father's Day

By Maine Aquino
Published June 21, 2021 3:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kean Cipriano, Chynna Ortaleza, Stellar Cipriano, Salem Cipriano


Isang mensahe na puno ng pangarap para sa pamilya ang isinulat ni Kean Cipriano para sa kaniyang pamilya.

Emosyonal ang mensahe na isinula ni Kean Cipriano para kina Chynna Ortaleza at kanilang anak na sina Stellar at Salem.

Ito ay ibinahagi ni Kean sa selebrasyon ng Father's Day.

Saad ni Kean,

"Dear Chynna, Stellar and Salem,

I love you more than anything in this world. You're the only people I trust and hope for.

It's Father's Day so I guess this is a good chance to express how I really feel."

Inamin ni Kean ang kaniyang pagod sa iba't ibang nangyayari sa kaniyang buhay at sa ating kalagayan sa gitna ng pandemya.

"I'm tired. I'm exhausted. Sa trabaho, sa chores, sa pandemya, sa nangyayari sa bansa, sa pag-figure out ng sarili, sa society... sa lahat!"

ean Cipriano Chynna Ortaleza Stellar Cipriano Salem Cipriano

Photo source: @kean (IG)

Saad pa ni Kean, ang kaniyang pamilya ang nagiging lakas.

"Pero alam nyo kung ano ang nagpapa-okay sa akin sa araw-araw? 'Pag nakikita ko kayong mahimbing na natutulog sa gabi.

"Ang dami kong gustong mangyari. Ang dami kong pangarap. Para sa sarili ko, para sa inyo, para sa ibang tao."

Na-realize rin ni Kean na ang gusto niya lamang ay makasama sina Chynna, Stellar, at Salem. Gusto niya rin gumawa ng musika.

"Pero alam niyo na-realize ko bigla na wala pala talaga akong pangarap kundi magkaroon ng pamilya at gumawa ng music. 'Yun na 'yun! At 'yun na 'yung nangyayari ngayon. I'm living the dream. At gusto ko pa kayo makilala nang lubusan. Sa lahat ng mga pagdadaanan sa buhay, gusto ko kasama ko kayo."

Sa kaniyang mensahe ay nagpasalamat si Kean sa kaniyang pamilya at sa pagkakataon na maging isang ama.

"Gusto ko lang magpasalamat at i-honor kayo sa araw na ito kasi binigyan at binibigyan nyo ko ng chance na maging ama. Sabi nga ng tatay ko sa akin, "madaling maging ama, mahirap magpaka ama.""

"Gusto ko magpaka ama. Araw araw. Every day is a HAPPY FATHER'S DAY because of you three."

Saad pa niya, lagi siyang nasa tabi ng kaniyang pamilya.

"Nandito lang ako palaging nagmamahal at mangungulit. Dad."

Isang post na ibinahagi ni Kean Cipriano (@kean)

Silipin ang buhay nina Kean, Chynna, at ng kanilang mga anak na sina Stellar at Salem sa gallery na ito: