
Isa sa mga hindi malilimutang moments sa loob ng Bahay ni Kuya ay ang mga naging karanasan ng Pinay actress na si Keanna Reeves.
Bilang isa sa mga alumni ng Pinoy Big Brother, pinag-usapan ng netizens ang kanyang intriguing moments kasama sina John Prats at BB Gandanghari.
Sa masayang usapan nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes (March 17), maraming ibinunyag si Keanna tungkol sa kanyang mga naging isyu at rebelasyon kaugnay ng dalawang celebrities.
Inamin ng aktres na talagang nagkaroon siya ng crush noon kay John Prats, na siyang naging dahilan ng isang kontrobersiya na may kinalaman sa dating relasyon ng aktor.
"Naging best friend kami tapos may issue issue sa loob. Kasi may girlfriend siya noong pagpasok. Tapos noong paglabas parang naghiwalay ata sila," kuwento ni Keanna.
Alam daw niyang hanggang loob lang ng Bahay ni Kuya ang kanilang sweet moments at malabo silang magkatuluyan. Pero may isang pagkakataon daw na umiyak siya dahil kay John.
"Kasi nagki-kiss kami sa lips noon. Tapos nagreklamo siya kay Kuya na baka daw ma-misinterpret iyon sa labas. Tapos siya naman yung lapit ng lapit. Siya naman 'yung kiss ng kiss," pahayag niya.
Ayon pa sa aktres, tila na-offend siya nang marinig na sinabi ng aktor na para siyang nanay na hinahalikan. Aniya, "Kaya umiyak ako. 'Kung nagrereklamo ka, bakit hindi mo sabihin sa akin? Bakit sinasabi mo pa kay kuya na naiilang ka?'"
Sa huli, nagkapatawaran sila at mas naging matalik na magkaibigan sa loob at labas ng programa.
Bukod kay John, naranasan din ni Keanna ang heartbreak kay Rustom Padilla, na ngayon ay mas kilala bilang BB Gandanghari.
Napatawa na lang siya nang maalala ang moment na akala niya ay liligawan siya ng ngayo'y transwoman.
"Akala ko Tito Boy, liligawan niya ako. Pinainom kami ng red wine ni Kuya tapos kami lang dalawa parang binigyan kami ng moment. Akala ko syempre excited na ko noon na parang magtatapat siya sa akin na gusto niya ako," masayang inaalala ni Keanna. "Parang alam mo 'yung in reality hindi pala. Pareho pala kami ng gusto."
Hindi mapigilang matawa nina Tito Boy, Keanna, at ng kanyang kasama na si Myrtle Sarrosa sa kanyang kwento.
"Sinabi ko sa kanya paglabas, 'Sana i-delay mo muna. Tayo muna tapos tsaka ka na magtapat.'"
Samantala, kilalanin ang ilang Kapuso stars na naging PBB housemates dito: