GMA Logo Keanna Reeves and Scott Lomboy
PHOTO SOURCE: @keanna_kr_reeves
What's Hot

Keanna Reeves, masaya sa piling ng karelasyon

By Maine Aquino
Published July 27, 2025 6:53 PM PHT
Updated July 28, 2025 12:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos back in Manila after working visit to Abu Dhabi
Death toll in Cebu City trash slide reaches 15; 21 missing
NCAA women's volleyball is back this January

Article Inside Page


Showbiz News

Keanna Reeves and Scott Lomboy


Alamin ang kuwento ng buhay pag-ibig ni Keanna Reeves at ang kanilang relasyon ni Scott Lomboy.

Inamin ni Keanna Reeves na happy siya sa kanyang love life ngayong 2025.

Inilahad ito ni Keanna sa pag-guest niya sa YouTube channel ni Aiko Melendez. Ayon kay Keanna, malayo ang age gap nila ng current boyfriend niyang si Scott Lomboy.

"Medyo malayo layo rin," pag-amin ni Keanna.

Keanna Reeves and Scott Lomboy

PHOTO SOURCE: @scottlomboy

Hiindi daw nila inaasahan na mahuhulog ang loob nila sa isa't isa.

'"Yung unang-una niyang sinabi ay naaaliw siya. Sabi ko parang ginawa mo akong clown, punta ka na lang ng comedy bar. 'Di niya alam na nami-miss niya na ako pag-uwi niya. So parang na-develop na. Hindi naman din niya balak na magiging kami kasi sabi niya nagulat lang din daw siya na bakit daw nami-miss niya ako."

Inamin ni Keanna na dati na silang nagkakilala ni Scott. Saad ng aktres, "Magkakilala kami 17 pa lang siya noon through manager niya. Ang manager niya dati, kaibigan ko."

Paglilinaw naman niya, hindi sila naging magkarelasyon noon.

"Hindi, ayoko ng mga bata. Ayoko ng minor... mako-Colombia naman tayo 'pag ganoon. kulungan, kulong. Ma-Colombia tayo nun 'pag ganon, Para naman tayong walang kinatandaan."

RELATED GALLERY: Celebrity couples with big age gap

Bahagi ng interview ay ang pagkakataon na tinatanong sa pampublikong lugar kung siya ang mama o ina ng kanyang karelasyon.

"Mayroon time na, 'mama mo?' Nasanay na lang ako. Wala lang. Ang tinitingnan ko yung reaksyon ng lalaki kung ikinakahiya ba ako."

Ayon kay Keanna, nangyari ito sa kanila ni Scott at na-shock daw ito sa tanong sa kanila.

"One time hindi, hindi niya binawi. Pag-uwi sa bahay, nabuwiset talaga ako. "Bakit hindi mo sinabi na ganon?" Sabi niya, na-shock daw siya. Sabi niya next time pangunahan na niya."

Pagdating naman sa usaping pagtira sa iisang bahay, sinabi ni Keanna ang kanilang living situation ni Scott. Kuwento ni Keanna, "Kung nasa bahay ko siya, siyempre sagot ko siya. Hindi naman siya humihingi ng mga materyal na bagay."

Dugtong pa ni Keanna, may mga dati siyang naging karelasyon na humihingi ng mga sapatos at ibang gamit. Ngayon, ayaw na ni Keanna ng usaping pera dahil naka-quota na raw siya.

"Ayokong isipin 'yung pera-pera kasi okay na ako. Tatanda ako mag-isa. Kumota na kasi ako noon."

SAMANTALA, NARITO ANG MGA LARAWAN NINA KEANNA REEVES AT SCOTT LOMBOY: