GMA Logo Keempee De Leon
What's on TV

Keempee De Leon, nagpasalamat sa GMA sa pagbabalik teleserye sa 'Prinsesa ng City Jail'

By Aimee Anoc
Published January 24, 2025 6:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Nine Cavs hit double figures during blowout of Pelicans
This show from Seoul features dashing oppas and will debut in Manila
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News

Keempee De Leon


Paano kaya nakaka-relate si Keempee De Leon sa kanyang karakter sa 'Prinsesa ng City Jail'? Alamin dito.

Thankful ang '90s matinee idol na si Keempee De Leon sa pagbabalik-teleserye niya sa afternoon series ng GMA na Prinsesa ng City Jail.

"GMA, salamat po for having me again," sabi ni Keempee sa interview sa Fast Talk with By Abunda ngayong Biyernes, January 24.

Sa drama series, nakilala si Keempee bilang Dado, ang tumatayong ama ni Princess, na pinagbibidahan ni Sofia Pablo.

"Si Dado Pascual, siya po ay isang jail warden na nagpalaki kay Princess. Inampon niya si Princess.

"A very loving father, protective talaga na hangga't maaari ayaw niyang may mangyayari sa anak niya. Kumbaga, hindi lang makauwi ng ilang segundo, worried na siya," pagpapakilala nito sa kanyang karakter sa serye.

Ayon kay Keempee, "talagang nakaka-relate" siya sa kanyang role dahil mayroon din siyang anak na babae.

"Panoorin n'yo po ang Prinsesa ng City Jail dito sa GMA Afternoon Prime, 3:20 po ng hapon," pag-imbita ni Keempee sa mga manonood.

KILALANIN ANG DAUGHTER NI KEEMPEE DE LEON NA SI SAMANTHA SA GALLERY NA ITO: