GMA Logo Kelvin Miranda is Teen Actor of the Year at Best Awards 2024
What's Hot

Kelvin Miranda, aminadong di pa gano'n katibay ang loob pero pilit na 'kinakaya' para sa career

By Gabby Reyes Libarios
Published December 5, 2023 7:24 PM PHT
Updated December 5, 2023 7:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Kelvin Miranda is Teen Actor of the Year at Best Awards 2024


Pinipili na lang ni Kelvin Miranda na mag-focus sa kung ano pa ang kaniyang puwedeng i-improve kaysa pansinin pa ang 'ingay' sa paligid niya.

Isang nakangiti at maaliwalas na disposisyon ang ipinakita ng Sparkle actor na si Kelvin Miranda nang dumalo ito sa Best Awards 2024 sa Teatrino Promenade sa Greenhills nitong nakaraang Sabado.

"Uy salamat!" natatawang sagot ni Kelvin nang magpaunlak ito ng interview. "Medyo magaan lang, kahit madaming issues na ibinabato sa atin, kailangan ay maging mas masaya lang para sa mga tao."

Masayang tinanggap ni Kelvin Miranda ang Teen Actor of the Year award mula sa Best Awards founder Richard Hiñola (left) at Mel Caparas.
Photo courtesy of Richard Hiñola

Dumating sa naturang event si Kelvin Miranda upang tanggapin ang Teen Actor of the Year award, isang bagay na ipinagpapasalamat ng aktor dahil simbolo ito umano ng kaniyang hard work at dedikasyon sa kaniyang showbiz career.

"Siyempre nai-inspire ako and at the same time, napre-pressure, magkarugtong naman lagi 'yon," sagot ni Kelvin nang tanungin ng GMANetwork.com kung ano ang kaniyang nararamdam sa tuwing nakakatanggap siya ng parangal.

"Hindi ka naman magagawaran ng titulo kung hindi naman nila napapansin 'yung mga ginagawa ko. Kapag nasabihan kasi ako ng ibang tao na magaling ako sa ganitong bagay, dapat bukas mas magaling ka kaysa sa kahapon. So reinvent nang reinvent, and hindi ko kailangan mag-stop sa learnings na makakasalamuha ko every day."

Kapansin-pansin rin kay Kelvin Miranda ang kaniyang bagong physique. Mas matipuno at fit na ngayon ang kaniyang pangangatawan.

"Sabi nila pumayat daw," kuwento ni Kelvin. "Nagpre-prepare kasi ako para sa Sang'gre, so kailangan talagang maging physically fit para sa character, kaya nagpupursige [ako] na maabot 'yung expectations ng production, and sina Direk Mark [Reyes.]"

A post shared by Kelvin Miranda (@iamkelvinmiranda)

Bukod sa physical na kaanyuan, mas hinahasa pa ni Kelvin ang kaniyang pag-arte. Aminado ang binata na nakakaramdam siya ng pressure para sa kaniyang role sa Sang'gre, lalong lalo na't maraming long-time Encantadia fans ang nag-aabang sa bagong bersyon.

"Ang laki ng pressure e, kasi alam naman natin na 'yung 'Encantadia' e napakalaking show niya sa GMA at talagang inaabangan ng mga Encatadiks, mga taong taga-suporta nito

"Bata pa lang ako napapanood ko na siya. Nakita ko kung gaano kalaki ang show na ito, kaya sobrang thankful ako na napasama ako dito bilang tagapangalaga na isa sa mga brilyante, which is 'yung tubig.

"Pressured talaga, kasi bukod sa kailangan ko siyang paghandaan physically, kailangan pati mentally. Siyempre merong Enchan words, di ba, kailangan aralin ko siya.

"Fight scenes, naku kaabang-abang talaga siya. Digmaan talaga siya e, yun ang sabi sa amin. Kaya nag-prepare kami physically and mentally para sa magiging pagod namin."

Alam din ni Kelvin Miranda ang kaakibat na hirap na kanyang dadanasin sa pagbibigay buhay sa kaniyang karakter na si Adamus lalo na't bago itong karakter at walang siyang ibang pagbabasehan na orihinal.

"Wala talaga, as in. Pangit naman kung manonood ka ng isang pelikula o teleserye na may superpowers na water na gagayahin mo, hindi naman siya maganda kasi makukumpara ka lang do'n.

"So kailangan mo talagang mag-build ng another character para dito sa 'Sang'gre.' Kailangan mo talaga siya aralin bawat detalye, tingin, pagsasalita, tindig. Hindi siya basta-basta na karakter na normal na tao na magaling lang makipaglaban e. Talagang warrior... gladiator nga kung tutuusin, tapos diwata ka pa. Gano'n kabigat yung pressure para sa akin."

Inihahanda rin ng aktor ang kaniyang sarili sa mga dikta at sa kung ano ang mga sasabihin ng mga tao sa paligid niya.

"Yung noise naman na naririnig natin, pwede naman siyang magtranscend to positivity e. Puwede rin siyang maging parang transcendental noise para mas motivate ka sa ginagawa mo, na mas makapag-focus ka.

"Kumbaga, ire-relate ko siya sa pagfa-fasting. Ang daming pagkain diyan, e since nagfa-fasting ako, lahat ng 'yan sa akin noise lang, distraction, illusion. Kailangan ko mag-focus sa gusto ko mangyari, sa ma-achieve ko. 'Yung discipline and consistency, gano'n ko lang siya ihahandle."

Pero sa dami ng kaniyang pinagdaaanan, kasama na rin ang chismis at bashing na kaniyang natamo, matibay na kaya ang loob ni Kelvin Miranda?

Mabilis na sumagot ng gwapong aktor, "Hindi pa rin e, kasi tao lang tayo e. Meron tayong kaniya-kaniyang kahinaan. Kung si Superman nga, may Kryptonite, paano pa kaya tayong normal na tao lang, di ba, meron ring kahinaan.

"Sabihin na lang natin na kinakaya. 'Yun naman 'yung every day mo e, kailangan mong kayanin dahil 'yun ang challenge sa'yo ng industry, ng tao, ng audience mo, so you should be prepared always."