
Aminado ang Encantadia Chronicles: Sang'gre actor na si Kelvin Miranda na isa siyang hopeless romantic. Sa katunayan, may isang bagay siyang ginawa noon na ikinakahiya na niya ngayon.
Sa Updated with Nelson Canlas podcast, sinabi ni Kelvin na para sa kaniya, ang pagiging romantic ay hindi lang basta pagbibigay ng materyal na bagay, kundi sharing ng experiences, stories, at marami pang iba.
Halimbawa ay ang mga red roses na pinamigay ni Kelvin sa mga tao para ipagdiwang ang araw ng mga puso. Ani ng aktor, masaya siya hindi lang dahil nakapagbigay siya ng saya sa mga tao, kundi dahil nakakuha rin siya ng aral mula sa kanila tungkol sa love.
“Yung kahuli-hulihang nabigyan namin ng bulaklak, ang sabi n'ya about love is there's no exact definition. Kumbaga, kung masaya ka, that's love. Ang ganda lang ng sagot n'ya, sobrang simple pero makaka-relate lahat ng tao,” kuwento ng aktor.
Sabi pa ni Kelvin sa podcast ay feeling niya napaka-romantic ng ginawa niya.
“Kanina, feeling ko, romantic 'yung ganung feeling kasi hindi ka sigurado e. Hindi ka sigurado sa mga mangyayari. Sinubukan mo magpasaya ng maraming tao ng hindi mo ine-expect na may kapalit 'yun o may balik sa'yo."
Ikinuwento rin ni Kelvin ang pinakanakakahiyang ginawa niya noong bata pa siya para magpapansin sa crush. Ayon sa aktor, gumawa siya ng sulat na naglalaman ng kaniyang nararamdaman.
Pero dahil hopeless romantic, “big no” para sa kaniya na mag-first move ang girls sa mga nagugustuhan nilang guys. Bagamat' hindi naman niya minamaliit ang mga gumagawa nito, paglilinaw ng aktor,"Mas nagugustuhan ko 'yung babae na parang hinahayaan na kumilos 'yung lalaki sa sarili niyang paraan."
Pakinggan ang buong interview ni Kelvin dito