GMA Logo Encantadia Chronicles Sanggre actor Kelvin Miranda as Adamus
What's on TV

Kelvin Miranda, aminadong may pressure bilang unang lalaking Sang'gre

By Aimee Anoc
Published July 22, 2025 5:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fluvial Procession ug streetdancing, gipahigayon | One Mindanao
Pinas Sarap Dominates Ratings, Tops Competition and GTV Programming in 2025
Farm To Table: Panalo sa sarap!

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles Sanggre actor Kelvin Miranda as Adamus


Gaano nga ba kahalaga para kay Kelvin Miranda na maging unang lalaking Sang'gre sa 'Encantadia'?

Positibo ang naging pagtanggap ng manonood kay Kelvin Miranda bilang unang lalaking Sang'gre na magiging tagapangalaga ng Brilyante.

Isa si Kelvin sa apat na bagong henerasyon ng mga Sang'gre kasama sina Angel Guardian, Faith Da Silva, at Bianca Umali. Gumaganap siya bilang Adamus, anak ni Sang'gre Alena at tagapagmana ng Brilyante ng Tubig.

Sa interview sa "Ask Boy Abunda," sinagot ni Kelvin ang tanong sa kanya ng King of Talk na si Boy Abunda kung gaano kahalaga na siya ang unang lalaking tagapangalaga ng brilyante.

"Mahalaga siya sa akin dahil kauna-unahan siyang nangyari, nagkaroon ng lalaki sa mga babaeng Sang'gre," sagot ni Kelvin.

"Medyo may pressure din siya sa akin kasi minsan ang hirap bumilang sa kanila kasi syempre puro babae. Hindi mo alam kung paano ka minsan mag-a-adjust or kung papaano ka magsisimula ng mga bagay na may itatanong ka, syempre may mga boundaries tayo when it comes to mga bagay-bagay. Syempre nirerespeto natin sila bilang mga kababaihan," dagdag niya.

Sa interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Kelvin na masaya siya dahil kahit na lalaki ay napabilang siya sa mga Sang'gre.

"Feeling blessed kasi maraming tao na pwedeng mapili pero [ako ang] napili nila upang gumanap na si Adamus. Hindi ako makapaniwala," sabi ng aktor.

Subaybayan si Kelvin bilang Adamus sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

TINGNAN ANG BEHIND-THE-SCENES MOMENTS NG CAST NG 'ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE' SA GALLERY NA ITO: