
Kasama ni Sang'gre actor Kelvin Miranda ang kanyang pamilya nang i-celebrate ang kanyang 27th birthday noong January 8.
Ayon kay Kelvin, nagkaroon siya ng simpleng get-together kasama ang kanyang pamilya. Nagkaroon din siya ng oras para mag-reflect na, aniya, maituturing niyang pinakamagandang regalo.
"Self-realization. Marami akong nakita and marami akong mas naintindihan na akala ko naiintindihan ko na noon, and iyon 'yung biggest na ipinagpapasalamat ko. And iche-cherish ko siya hanggang sa mga susunod pang taon," sabi ni Kelvin sa interview kay Aubrey Carampel para sa 24 Oras.
Pagbabahagi pa ni Kelvin, naging malaking challenge para sa kanya ang taong 2025.
Kaya naman ngayong 2026: "Para sa akin taon ko 'to. Gusto ko siyang i-claim ngayon. Nagpapasalamat tayo sa Panginoon kasi binibigyan niya tayo ng chance everyday."
Birthday wish at goals ni Kelvin ngayong taon na magkaroon ng mas marami pang proyekto.
"Magkaroon tayo ng maraming pelikula. Talagang pelikula this 2026, and more projects para sa atin," dagdag niya.
Happy birthday, Kelvin Miranda!
Related content: Kelvin Miranda's 'pogi' photos that will take your breath away