
Sina Kapuso actor Kelvin Miranda at newbie actress Celyn David ang bibida sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Driving Lessons," gaganap dito si Kelvin bilang Bryan, habang si Celyn naman ang little sister niyang si Gwyneth.
Nakatakda nang mag-migrate patungo sa ibang bansa si Bryan kaya ihahanda niya ang nakababatang kapatid na si Gwyneth para sa buhay na wala ang kanyang gabay.
Kabilang dito ang pagmamaneho at pag-aalaga sa nanay nilang may sakit.
Anong mahahalagang aral ang iiwan ni Bryan para kay Gwyneth? Magiging sapat ba ang paghahanda niya para mabuhay ang kapatid nang wala siya?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:
Huwag palampasin ang bagong episode na "Driving Lessons," September 14, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.