
Buena manong kilig ang hatid ng TBATS On The Go! ngayong Sunday night dahil isang Kapuso actor ang makakasama nina Boobay at Tekla.
Mapapanood mamaya ang Encantadia Chronicles: Sang'gre star na si Kelvin Miranda na siguradong maghahatid ng saya at kilig vibes sa mga manonood. Kasama si Kelvin sa pagsugod sa mga Ka-TBATS para sa "Trivia On The Go."
Bukod kay Kelvin, mapapanood din mamaya sa TBATS On The Go! ang Manila Mayor na si Isko Moreno at sasalang siya sa exclusive interview ng comedy duo.
Abangan ang TBATS On The Go! mamayang 10:05 p.m. sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.