GMA Logo Kelvin Miranda and Joy Barcoma
Photo by: The People Have Spoken
What's on TV

Kelvin Miranda at Joy Barcoma, may hugot tungkol sa pagsisinungaling sa isang relasyon

By Kristine Kang
Published July 18, 2026 7:00 PM PHT
Updated July 18, 2026 7:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: TNT escapes Macau in Governors' Cup debut
Farm to Table: (July 19, 2026) LIVE
Transforming discarded materials into treasured spaces

Article Inside Page


Showbiz News

Kelvin Miranda and Joy Barcoma


Magsisinungaling ka ba kung ito ang tanging makaka-save sa relasyon n'yo? Alamin ang sagot ng celebrities at People dito:

Tila "it's complicated" ang nangyari sa People at celebrity pairs sa pagsagot ng isa sa mga tanong sa game show na The People Have Spoken.

Nitong Sabado (July 18), tinanong ang People kung magsisinungaling ba sila sa kanilang kasintahan kung ito ang tanging paraan upang ma-save ang kanilang relasyon.

Para sa Team CHAGÂ (Chariz Solomon at Lovely Abella), handa silang magsinungaling alang-alang sa pag-ibig.

Ngunit para naman sa Team GELVIN (Angel Guardian at Kelvin Miranda), tila may hugot sa kanilang pag hindi.

"Kung magsisinungaling ka naman, masa-save mo nga pero hindi ka makapante, 'di ba? So mas pipiliin ko na lang sabihin 'yung katotohanan kahit masakit. Puwede ko rin naman ma-save 'yung relationship namin sa pagsasabi ng totoo," sagot ni Kelvin

Nadagdagan pa ang hugot vibes nang ibahagi rin ni Joy Barcoma ang kaniyang pananaw tungkol sa tanong.

"If ang relationship built na siya on lies, hindi na siya relasyon. Deception na siya. Tsaka parang nonsense naman i-save ang relationship kung 'di ako masa-save sa langit," sagot niya.

"Mas mabuti nang mahalin mo ako nang katotohanan kaysa sa kasinungalingan," dagdag ni Kelvin.

Samantala, natawa ang lahat sa naging sagot ni celebri-peep guest James Caraan.

"Ang isang relasyon ay dapat nabubuo sa kabutihan. Ang pagsisinungaling ay kademonyohan! Kung susubukan mong iligtas ang inyong relasyon sa pamamagitan ng kademonyohan, hindi magandang relasyon iyan," paliwanag niya.

"Kaya ang sagot ko po ay opo, magsisinungaling po ako," biro niya.

Para naman kay Heart Evangelista, inamin niyang nagsinungaling na rin siya alang-alang sa pag-ibig.

"I have lied for love. Siyempre! Alangan sasabihin mo ang lahat kapag tinanong ka. Ano ang listahan mo, ibibigay mo 'yung listahan mo. Siyempre hindi. Dapat sweet lang, ganoon," aniya.

Sa huli, nagwagi sa naturang round ang Team GELVIN na may maraming votes ang kanilang sagot.

Subaybayan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL. Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.

Balikan ang ilan sa mga unforgettable at iconic quotes mula sa The People Have Spoken hosts at celebri-peeps, dito: