GMA Logo Kelvin Miranda and Mikee Quintos
What's on TV

Kelvin Miranda at Mikee Quintos, bibida sa bagong fantasy-romance series ng GMA Public Affairs

Published October 2, 2020 8:30 PM PHT
Updated December 18, 2020 5:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Kelvin Miranda and Mikee Quintos


Abangan ang upcoming GMA Public Affairs show na pagbibidahan nina Kelvin Miranda at Mikee Quintos sa GMA News TV.

Hindi makapaniwala ang Kapuso artist na si Kelvin Miranda na bibida siya sa upcoming fantasy - romance series ng GMA Public Affairs na The Lost Recipe.

Aniya, “Wala po akong masabi. Hanggang ngayon speechless pa rin ako. Sasabog na po yata iyong puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.”

Unang nakilala si Kelvin nang magbida siya sa pelikulang Dead Kids, kung saan agad napansin ang galing niya sa pag-arte. Noong 2019 naman, napasama si Kelvin sa Afternoon Prime series na Madrasta. Nasundan pa ito ng maraming guestings sa iba't ibang programa ng GMA Network.

First time ni Kelvin na magiging bida sa isang teleserye kaya naman hindi niya raw sasayangin ang oportunidad na ito. Sa katunayan, nagsisimula na raw siyang manood ng Korean dramas para mas maaral at mas mapaghandaan ang role ni Harvey, isang chef na misteryosong makapupunta sa taong 1895 at makakakuha ng isang espesyal na recipe na madadala naman niya sa kasalukuyan.

Makakapareha niya sa seryeng ito ang Kapuso actress na si Mikee Quintos na talagang excited na raw para sa proyektong ito. “Pinagdadasal ko na talaga ito simula pa lang ng quarantine. Gusto ko ng romcom! I am so excited.”

Gagampanan ni Mikee rito ang role ni Apple, isang aspiring chef na magtatrabaho sa restaurant empire ni Harvey.

Mapapanood ang The Lost Recipe sa January 2021 sa GMA News TV. Ito ay sa punong-panulat ni Erwin Caezar Bravo, at sa direksyon ni Monti Parungao.