
Kabilang ang Kapuso stars na sina Kelvin Miranda at Therese Malvar sa bagong crime thriller film na Crawlers After Dark.
Noong Miyerkules (May 13), nagkaroon na ng story conference para sa nasabing pelikula, na ginanap sa Lancaster Hotel sa Mandaluyong City.
Present din sa story conference ang cast na sina RK Bagatsing, Zaijan Jaranilla, Ruby Ruiz, Marnie Lapus, at Adrian Araneta.
Sa pelikula, makikilala si Kelvin bilang Niko, isang manipulative gang member. Habang gaganap naman si Therese bilang Yuki, isang hardworking at honest na jewelry shop saleslady.
Ang Crawlers After Dark ay sasailalim sa direksyon ng filmmaker na si Ralston Jover.
Samantala, bukod sa Crawlers After Dark ay abala rin si Therese para sa upcoming family sports drama na Kamao, na magsisimula na ngayong May 25, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
RELATED CONTENT: #TRIVIA: Facts that make Therese Malvar a star