GMA Logo Kelvin Miranda
What's Hot

Kelvin Miranda, Best Actor nominee sa 2025 FAMAS Awards

By Marah Ruiz
Published August 13, 2025 3:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 13, 2026
Beauty Gonzalez, Kris Bernal face off in family drama ‘House of Lies’
Pagtulong ng GMAKF sa mga nilindol sa Caraga, nagpatuloy sa kabila ng panibagong pagyanig | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Kelvin Miranda


Kabilang si Kelvin Miranda sa mga nominado bilang Best Actor sa 2025 FAMAS Awards.

Pasok si Kapuso actor Kelvin Miranda sa mga nominado para sa kapitapitagang 73rd Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards.

Nakatanggap siya ng nominasyon bilang Best Actor para sa pagganap niya sa pelikulang Chances Are, You and I.

Nakatambal niya rito ang Kapamilya actress at former PBB housemate na si Kira Balinger.

Kuwento ito ng dalawang magkaibang tao na may salungat na perspektibo tungkol sa kanilang mga karamdaman.

Makakatunggali ni Kelvin para sa Best Actor sina Kapuso Drama King Dennis Trillo para sa Green Bones, Asia's Multimedia Star Alden Richards para sa Hello, Love, Again, Vice Ganda para sa And the Breadwinner Is..., Arjo Atayde para sa Topakk, at Aga Muhlach para sa Uninvited.

Nakatakdang itanghal ang magwawagi sa gabi ng parangal ng FAMAS 2025 sa August 22 sa Manila Hotel.

Samantala, napapanood si Kelvin Miranda bilang Sang'gre Adamus sa superseryeng Encantadia Chronicles: Sang'gre, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.

Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.