
Mapapanood si Kapuso actor Kelvin Miranda sa Christmas special ng weekly anthology series Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Fast Forward," gaganap siya rito bilang Lance, pasaway na anak at kapatid.
Dahil sa isang aksidente, mako-comatose siya ng mahigit isang dekada.
Sa paggising ni Lance, makakabawi pa ba siya sa mga mahal niya sa buhay?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:
Huwag palampasin ang Christmas special na "Fast Forward," December 21, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.