
Hindi lamang isang simpleng ballad song para kay Kelvin Miranda ang bagong single na "Slow Dance."
Sa interview sa Behind The Song Podcast, sinabi ni Kelvin na espesyal para sa kanya ang kanta dahil iniaalay niya ito sa kanyang mga tagahanga.
"Sa mga fans ko, para sa kanila talaga 'yung kanta. Before pandemic kapag nagge-get together kami lagi ko silang ini-slow dance isa-isa. 'Yun 'yung lengguwahe ng pagmamahal ko sa kanila.
"Kumbaga, hindi lang simpleng get-together na nandito ako, masaya na. Gusto ko na ipa-feel sa kanila na I'm always here for them. Nakakausap naman nila ako personally. Kapag may mga problema sila nag-a-advice naman ako. Masarap lang sa feeling na naibabalik mo 'yung pagmamahal nila," pagbabahagi ni Kelvin.
Ayon kay Kelvin, sa pamamagitan ng "Slow Dance" nais niyang maipadama sa kanyang mga tagahanga na palagi lamang siyang naririyan para sa kanila.
"Dahil nga pandemic hindi na kami nakakapag-bonding. 'Yung 'Slow Dance' ang nagpapaalala sa kanila na palagi akong nandito para sa kanila," dagdag niya.
Inilabas noong October 22 ang bagong kanta ni Kelvin na "Slow Dance" sa ilalim ng GMA Music.
Panoorin ang buong interview ni Kelvin Miranda sa Behind The Song Podcast:
Samantala, mas kilalanin pa si Kelvin Miranda sa gallery na ito: