What's Hot

Kelvin Miranda, excited na sa Noche Buena ngayong Pasko

By Kristine Kang
Published December 10, 2025 10:20 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Endemic na hayop sa Mindanao na tingkolit o 'treeshrew,' nakita sa Mt. Apo
Rising inflation alarms business owners in CDO
Jennylyn Mercado shares why a fresh-smelling home matters to her

Article Inside Page


Showbiz News

Kelvin Miranda


Ano kaya ang paboritong putahe ni Kelvin Miranda tuwing Pasko? Alamin dito.

Ilang tulog na lang at darating na ang pinakahihintay na selebrasyon ngayong taon, ang Pasko!

Hindi lang netizens ang excited sa holidays, kundi pati na rin ang Kapuso celebrities.

Isa na rito ang Encantadia Chronicles: Sang'gre star na Kelvin Miranda, na tradisyon na ang pagdiriwang ng Pasko kasama ang kanyang pamilya.

Sa isang panayam sa 24 Oras, ibinahagi ni Kelvin ang kanyang excitement para sa kanilang Pinoy-style Noche Buena. Masaya niyang ikinuwento ang ilan sa mga paborito niyang handa sa kanilang salu-salo.

"Sa nanay ko kung magluluto siya hindi pwede mawala 'yung Menudo kasi 'yun ang kanyang recipe talaga. Hamonado at saka kung ako Relyeno,"pahayag niya.

Mas espesyal din ang Pasko ni Kelvin ngayong taon dahil sunod-sunod ang blessings, hindi lamang sa personal na buhay kundi pati sa kanyang karera.

Kasali siya sa 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Rekonek kasama ang ilang Kapuso stars na sina Angel Guardian, Kokoy De Santos, at ang Legaspi family.

Patuloy ring napapanood si Kelvin bilang Sang'gre Adamus sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Kamakailan ay marami ang naaliw at humanga sa kanyang cute adventures sa mundo ng mga tao, kabilang na ang pagdiskubre niya sa telebisyon at paggamit ng remote.

Abangan si Kelvin sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Iboto rin ang superserye sa GMANetwork.com Awards 2025 bilang Kapuso Daytime and Primetime Drama Series of the Year.

Mag-log in sa www.gmanetwork.com/polls at iboto ang iyong favorite Kapuso stars at shows.

Maaaring bumoto hanggang December 28 at iaanunsyo ang winners sa Kapuso New Year Countdown to 2026 ngayong December 31.