What's on TV

Kelvin Miranda, hindi malilimutan ang kissing scene nila ni Beauty Gonzalez sa 'Loving Miss Bridgette'

By Dianne Mariano
Published October 26, 2021 6:17 PM PHT
Updated October 26, 2021 7:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Elusive December sun leaves Stockholm in the dark
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Kelvin Miranda and Beauty Gonzalez


Ayon kay Kapuso actor Kelvin Miranda, pinaka-memorable ang kanyang kissing scene kasama si Beauty Gonzalez sa 'Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette.'

Ibinahagi ni Kapuso actor Kelvin Miranda ang kanyang pinaka-memorable na eksena kasama si Beauty Gonzalez sa drama mini-series na Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette.

Kuwento ni Kelvin sa Hangout nitong October 26, ang kissing scene raw nila ni Beauty ang hindi niya malilimutan na eksena sa naganap na show.

Photo courtesy: GMA Artist Center (YouTube)

Aniya, “First ano ko 'yun e. Kumbaga first kiss ko siya sa TV worldwide, as in premiere talaga. Noong first time namin na gagawin siya, sobrang kabado ako. Sobrang nanginginig talaga ako na na-awkward ako.

“Sabi ko, 'Hindi ko alam paano ko gagawin.' 'Ano ka ba, hindi ka pa ba nakipag-kiss?, sinabihan ako ni Beauty. Tapos sabi ko, 'Hindi ko alam.' Nanginginig talaga ako, at the same time, nahihiya rin ako kasi hindi ko alam kung paano ko siya i-apply dito sa TV, kapag pini-film medyo awkward pa ako. Ginuide naman ako nila Direk kaya unforgettable 'yon.”

Taos-pusong pasasalamat naman ang nararamdaman ng aktor sa GMA Network dahil mayroon pa din siyang projects kahit nasa gitna ng pandemya.

“Sobrang thankful and grateful ko. Kung hindi rin naman dahil sa mga sumusuporta sa akin, sa manager ko, sa handler ko, sa GMA, sa management na naniniwala sa kakayahan ko na i-push nila ako para mabigyan ako ng chance at trabaho na kahit pandemic e hindi ako… hindi ko naman sinabing hindi nawawalan, pero kahit papaano e nagkakaroon ako ng trabaho,” pagbahagi ni Kelvin.

Matapos ang "Loving Miss Bridgette" ng drama-anthology series na Stories From The Heart, napapanood na ang second story nito, ang “Never Say Goodbye” sa GMA Afternoon Prime.

Panoorin ang buong nakatutuwang kwentuhan ni Kelvin kasama ang kanyang fans sa Hangout video sa taas.

Samantala, tingnan ang stylish looks ni Kelvin Miranda sa gallery na ito: