What's on TV

Kelvin Miranda, inspirasyon sina Bianca Umali at Ken Chan sa 'Mano Po Legacy: Her Big Boss'

By Marah Ruiz
Published March 10, 2022 10:46 AM PHT
Updated March 10, 2022 11:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga bumbero, naantala dahil sa ginawa ng isang rider | GMA Integrated Newsfeed
Guam delegation to arrive for Dinagyang Festival 2026
United Kingdom considering social media ban for minors

Article Inside Page


Showbiz News

Kelvin Miranda in Mano Po Legacy Her Big Boss


Masaya si Kelvin Miranda na makatrabaho sina Bianca Umali at Ken Chan sa 'Mano Po Legacy: Her Big Boss.'

Most mature role ni Kelvin Miranda ang karakter niya sa upcoming GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: Her Big Boss.

Gaganap siya rito bilang Nestor Lorenzo, ang ideal boyfriend ng karakter ni Bianca Umali na si Irene Pacheco.

Maiipit sila sa isang love triangle nang magsimulang magtrabaho si Irene bilang assistant ng geeky boss na si Richard Lim, role naman ni Ken Chan.

Ang Mano Po Legacy: Her Big Boss ang unang pagkakataong makakatrabaho ni Kelvin sina Bianca at Ken.

Ayon sa aktor, isa raw sa kanyang dream leading ladies si Bianca.

"Natutuwa po talaga ako kasi first time ko pong makaka-work si Bianca Umali. Dream ko din siyang maka-partner someday sa isang trabaho, sa pelikula or sa isang serye. Ito 'yung chance na ibibigay sa akin para maka-partner ko siya. Tumataba 'yung puso ko kasi nabigyan ako ng pagkakataon," kuwento ni Kelvin.

Nagsisilbi namang inspirasyon ni Kelvin si Ken sa larangan ng pag-arte.

"Pinaghahandaan ko sobra itong proyekto na 'to kasi isa rin sa inspirasyon ko si Ken Chan sa industriya. Pinagbubutihan ko 'yung trabaho kasi isa siyang magaling na aktor," lahad ni Kelvin.

Happy rin siya na muling makatrabaho ang direktor ng serye na si Easy Ferrer.

Minsan na silang nagkatrabaho sa isang episode ng Regal Studio Presents na pinamagatang "Promises to Keep."

"Pati din po sa direktor namin, si Direk Easy Ferrer, ngayon ko po siya makakatrabaho sa isang mahabang serye kaya excited na 'kong maka-collab siya and matutuo sa mga makakatrabaho ko," pahayag ng aktor.

Bukod kina Kelvin, Bianca at Ken, bahagi rin ng serye sina Pokwang, Teejay Marquez, Ricardo Cepeda, Marina Benipayo, Arlene Muhlach at marami pang iba.

Ang "Her Big Boss" ang pangalawang kuwento mula sa Mano Po Legacy, ang serye na tungkol sa pag-ibig, pamilya at tradisyon ng mga Filipino-Chinese.

Abangan ang world premiere ng Mano Po Legacy: Her Big Boss sa March 14, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad!

Silipin ang "pogi" photos ni Kelvin Miranda sa gallery na ito: