GMA Logo Kelvin Miranda
What's Hot

Kelvin Miranda, ipinakita ang musical talent sa latest single na 'Sumayaw'

By Bianca Geli
Published November 18, 2022 12:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

No new regulations vs imported cars, modifications, tire age — LTO chief Lacanilao
Lea Salonga, Rachelle Ann Go part of 'Les Misérables' in Manila
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar

Article Inside Page


Showbiz News

Kelvin Miranda


Kahit focused sa pag-arte, muling sinubukan ni Kelvin Miranda na maglabas muli ng musika sa pamamagitan ng kanyang latest single under GMA Music na "Sumayaw."

Mula sa pagiging aktor, sumabak na rin sa pagkanta ang Kapuso actor na si Kelvin Miranda.

Napatunayan na ni Kelvin ang talento niya sa musika sa 2021 single niyang "Slow Dance" na umabot sa #2 sa iTunes Philippines.

Ngayong 2022, nagbabalik sa pagkanta si Kelvin handog ang latest single niyang "Sumayaw."

Kuwento ni Kelvin, mas naging experimental siya sa kanyang bagong kanta.

"Sa totoo lang, medyo nakikita kong growth medyo tumatapang 'yung pag-explore namin sa music," saad ni Kelvin.

Naging mas tutok daw siya sa pag-arte lalo na't tuloy tuloy ang mga naging proyekto niya sa GMA.

"Hindi ako naging masyadong focused sa pagiging recording artist, kasi mas naka-focus kami sa pag-arte."

"Which is talagang dumagsa ang blessings kaya hanggang ngayon may mga ginagawa pa rin tayong projects. Happy naman ako sa outcome ng career ko sa music. Malaking pasasalamat din kasi binibigyan nila ako ng opportunity."

Gayunpaman, balak pa rin ni Kelvin na ipagpatuloy ang pagkanta at maglabas pa ng mga awitin na maipapakita ang pagkatao niya.

"Gustong makapag-release ng kanta na makikita mo doon 'yung pagkatao ko, at personality ko. Masaya ang music eh, walang limit basta ready ka lang din sa kalalabasan."

Available na ang "Sumayaw" ni Kelvin Miranda sa lahat ng music streaming platforms simula ngayong November 18.