What's on TV

Kelvin Miranda, itinuturing na "most mature role" ang karakter sa 'Mano Po Legacy: Her Big Boss'

By Marah Ruiz
Published March 7, 2022 3:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Over 2k Filipino children adopted by parents in PH, abroad – NACC
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers
GMA Caps 2025 with Ratings Leadership, Digital Dominance

Article Inside Page


Showbiz News

Kelvin Miranda


"Most mature role" daw ni Kelvin Miranda ang gagampanan niya sa upcoming series na 'Mano Po Legacy: Her Big Boss.'

Muling maipapamalas ni Kapuso actor Kelvin Miranda ang galing niya sa pag-arte sa upcoming GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: Her Big Boss.

Gaganap siya sa serye bilang Nestor Lorenzo, ang ideal boyfriend ni Irene Pacheco, role naman ni Bianca Umali.

Itinuturing ni Kelvin na "most mature role" niya ang pagganap kay Nestor dahil lubos na malayo ang pagkatao nito kumpara sa kanya.

Kelvin Miranda in Her Big Boss

"Sa totoo lang po, siya na po talaga 'yung pinaka-mature na gagampanan kong role. Talagang ngayong kailangan kong balikan kung ano 'yung mga experience ko sa buhay para maisabuhay ko nang maayos si Nestor at tanggapin lahat kung ano 'yun para maging katanggap-tanggap 'yung realizations ko about my character," paliwanag ng aktor.

Sa tingin daw ni Kelvin, challenge para sa kanya na maipakita ang maturity ng karakter sa mga manonood.

"Medyo challenging siya kasi mahirap magpatanda kung wala ka pa sa ganoong edad. Kailangan kong mas mag-research about my character and pag-aralan siyang mabuti para hindi ako lumayo doon sa character ni Bianca and sa edad nila dito," kuwento niya.

Bukod dito, gusto rin daw niyang gawing kapani-paniwala si Nestor.

"[Ang] description kasi about my character, 'yung kung papano siya mag-isip, kung papano siya kumilos, kung papano siya maka-encounter sa tao, talagang 'ideal man' siya which is sa akin mismo, hindi nag-e-exist 'yun. Parang unbelievable 'yung character ni Nestor so kailangan ko talaga siyang i-acknowledge na pumasok siya sa akin," ani Kelvin.

Ang "Her Big Boss" ang pangalawang kuwento mula sa Mano Po Legacy, ang serye na tungkol sa pag-ibig, pamilya, at tradisyon ng mga Filipino-Chinese.

Makakasama ni Kelvin dito sina Bianca Umali, Ken Chan, Pokwang, Teejay Marquez at marami pang iba.

Abangan ang world premiere nito sa March 14, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad!