GMA Logo kelvin miranda
Courtesy: Kelvin Miranda on Facebook
What's Hot

Kelvin Miranda, kinabahan sa kanyang 'Everyone Knows Every Juan' role

By Nherz Almo
Published October 4, 2025 2:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Meralco to heed ERC order halting disconnections for May to July bills
5 Davao SK heads face probe over alleged fund misuse
What we know about Franco Mabanta

Article Inside Page


Showbiz News

kelvin miranda


Bilang pinakabata sa cast ng pelikulang 'Everyone Knows Every Juan,' marami raw natutunan si Kelvin Miranda sa kanyang co-actors.

Nagpapasalamat si Kelvin Miranda dahil nabigyan siya ng pagkakataong mapabilang sa all-star cast ng pelikulang Everyone Knows Every Juan, na idinirehe ng aktres na si Alessandra de Rossi.

Sa media conference ng pelikula noong Martes, September 30, inamin ni Kelvin bagamat masaya ay nakaramdam din siya ng kaba nang gawin nila ang pelikula. Kakaiba kasi ang paraan ni Alex, katulong si Direk Rico Gutierrez, sa pagbuo nito--sa pamamagitan ng isang continuous shot sa loob ng isang araw.

Paglalahad ng binatang aktor, “Naglalakad po ako nang buong kaba. Parang ako mismo ang kabado sa lahat. Itong klase ng project kasi, hindi mo puwedeng sarili mo lang ang iniitindi mo. Isang buo po kasi siya.

“Kapag may bumigay na isa, kakalas po talaga ang lahat. May mga pagkakataon po na sa sobrang nerbiyos ko na po talaga, yung halos maihi na talaga ako sa salwawal ko. Ganun po yung pakiramdam ko, nanginginig, yung masagi ka lang, nabablangko ka na.

“Pero sa pag-oobserba ko sa kanilang lahat, yung sa professionalism nilang lahat, hindi ka puwedeng mag-adapt sa kung ano yung nakikita at nangyayari.”

Dagdag pa niya “Kagaya rin po nang sinabi ni Tito Edu [Manzano], kailangan in the moment ka, e. May time na yung script ko, hindi ko maalala, pero yung nararamdaman ko yung emosyon, and nararamdaman ko yung emosyon nung nakapalibot sa akin.

“Parang doon na lang ako nadala, hindi na ako nakabitaw sa character hanggang sa nagtuluy-tuloy na lang siya. Talagang dinamdam ko yung pangyayari. Kung iisipin mo sa simula, medyo imposible siyang mangyari. Pero sa tapang at sa tiwala sa isa't isa, naging posible ang imposible.”

A post shared by VIVA Films (@viva_films)

Kaugnay nito, lubos na humanga ang Sang'gre actor sa kanyang mga kasamahan. Ito ay kinabibilangan nina Edu, Joel Torre Gina Alajar, Ronnie Lazaro, Ruby Ruiz, Angeli Bayani, at JM De Guzman.

“Thankful talaga ako na naging part ako ng project na ito. Para akong estudyante na nag-aaral kasi naa-amaze ako sa nakikita ko,” ani Kelvin.

Kuwento pa niya, “Pagkatapos po nung mismong araw, pag-uwi ko sa bahay, na-overwhelm ako sa mga nakita ko--kung paano sila magtrabaho, paano sila makitungo, paano nila itrato yung role.

“Na-realize ko na hindi porket kung ano yung role mo, mamatahin mo siya. Alam ko naman na yun dati, pero mas nag-make sense lang sa akin na importante ang bawat character sa eksena. Lalo na, siyempre, sa buong pelikula.

“Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na natapos namin kasi ang saya sa pakiramdam na lahat ng artists talagang mag kanya-kanya silang characters, paninindigan sa ginagawa nila. Talagang bow down ako sa kanila. Soon, I want to be like them also.”

Mapapanood ang Everyone Knows Every Juan sa mga sinehan simula October 22.

Related gallery: Kelvin Miranda's 'pogi' photos that will take your breath away