GMA Logo Kelvin Miranda
What's Hot

Kelvin Miranda, malaki ang paniniwala sa reincarnation

By Kristian Eric Javier
Published March 10, 2024 12:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Kelvin Miranda


Nakaka-relate si Kelvin Miranda sa kanyang karakter na sii Joey sa 'After All' dahil sa paniniwala niya about reincarnation.

Nakaka-connect ang Kapuso actor na si Kelvin Miranda sa karakter niya sa pelikulang 'After All' kasama si Beauty Gonzalez dahil sa tema nitong reincarnation.

Sa Updated with Nelson Canlas podcast, sinabi ni Kelvin na umiikot ang kuwento ng kanilang pelikula sa reincarnation, ang pagkikita ng dalawang taong nagmamahalan.

“It's about reincarnation, na ang pagmamahal eh, hindi natin mapipigilan kung kailan mo talaga siya mararamdaman. Ang pagmamahal, ay andiyan lang yan. Kumbaga, mabubuhay at mabubuhay pa rin,” sabi niya.

Pagpapatuloy ni Kelvin, “To be short, it's about reincarnation na nagkita ang dalawang tao na nagmamahalan na noon pa. Ngunit, isa, parehas na katawan.”

Dagdag pa niya, umiikot din ang kuwento ng pelikula sa unending love ng mga karakter nilang sina Joey at Serena, at kung papaanong hindi nila inaasahan na mabubuhay uli ang kanilang pagmamahalan.

BALIKAN ANG PAG-AMIN NI KELVIN KUNG PAPAANO NIYA NAMI-MISS ANG INTIMATE SCENES NILA NI BEAUTY DITO:

Dahil sa tema ng pelikula, hindi maiwasang matanong ang Encantadia Chronicles: Sang'gre star kung naniniwala ba siya sa reincarnation.

“I'm a believer of reincarnation. Kasi hindi naman natin masasabi kung ano talaga yung mga naaalala natin or yung parang sinasabi nila na deja vu. Mga explanation , scientific and biblically. Mga pinaniniwalaan ko about reincarnation. Pero yes, I'm a believer of reincarnation.”

Dagdag pa ng batang aktor, ito rin mismo ang dahilan kung bakit nakaka-relate siya sa karakter niyang si Joey.

“Muli [niyang] natagpuan yung pagmamahal na yun sa tao na paulit-ulit siyang binabagabag at hindi siya pinatatahimik ng mga alaala niya noon. Na akala niya wala lang yun. Akala niya panaginip lang. Pero yun pala, yun na yung sign na yun yung totoong pagkatao niya,” sabi ng aktor.

Samantala, ikinuwento rin ni Kelvin na two years in the making ang kanilang pelikula at sinimulan nila ito pagkatapos ng unang pagtatambal nila ni Beauty sa 'Loving Miss Bridgette.'

“Kaya lang, hindi nagkatugma-tugma yung mga schedules namin. Kaya nagkaroon ng problem sa editing, dubbing, ganyan. So, hindi nasundan kaagad,” sabi niya.

Pakinggan ang buong interview ni Kelvin Miranda sa 'Updated with Nelson Canlas' dito: