GMA Logo Kelvin Miranda at Signed for Stardom 2024
What's Hot

Kelvin Miranda, marami pang ipapakitang galing sa pag-arte bilang Sparkle artist

By Maine Aquino
Published May 20, 2024 12:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Express: December 22, 2025 [HD]
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News

Kelvin Miranda at Signed for Stardom 2024


Ano ang mga dapat pang abangan ng mga viewers kay Sparkle actor Kelvin Miranda ngayong 2024?

Sa pagpirma ni Kelvin Miranda sa Signed for Stardom 2024, inilahad ng aktor na umaasa siyang marami pa siyang magawa sa kaniyang showbiz career.

Isa si Kelvin Miranda sa mga pumirma sa biggest contract signing event ng Sparkle noong May 16.

Ani Kelvin, malaki ang pasasalamat niya sa Sparkle dahil sa pagaalaga at paggabay sa kaniyang showbiz career.

"Kahit saang aspeto o larangan naman, hindi ka magiging successful kung wala kang tamang kalinga. Ang Sparkle at GMA, inaalagaan kami nang maayos kaya mas nagkakaroon kami ng mataas na kumpiyansa sa sarili at sa talento namin para mapagpabuti namin at maabot namin ang pagiging successful na aktor."

Inilahad ni Kelvin ang kaniyang pasasalamat na bahagi siya ng Sparkle.

RELATED GALLERY: Signed for Stardom 2024 brings together the newest and brightest stars in one event

"Gusto ko magpasalamat sa pangalawa kong tahanan siyempre sa patuloy na suporta at paniniwala sa talentong mayroon ako. Sa kakayahan para manatili kung nasaan man ako ngayon."

Pagkatapos ng Signed for Stardom 2024 ay umaasa raw si Kelvin Miranda na magkaroon pa ng iba't ibang mga proyekto. Ayon pa sa aktor, kailangan niyang hasain ang talento na mayroon siya para sa mga darating na projects sa kaniya bilang isang Kapuso star.

"Nilu-look forward ko na sana magkaroon pa ako ng maraming opportunities and, of course, kailangan ko pa galingan nang husto sa lahat ng aspeto lalo sa craft na mayroon ako."

Mapapanood si Kelvin soon sa Encantadia Chronicles: Sang'gre bilang Adamus.

RELATED CONTENT: Kelvin Miranda shows off his angas looks that make him perfect to be a Sang'gre