
Isang nakakaintrigang tanong ang sinagot ni Kapuso actor Kelvin Miranda sa “Tarantanong” segment ng morning talk show na Mars Pa More.
Ibinahagi ni Kapuso actress Mikee Quintos ang tanong para sa kaniyang kapwa artista at sinabi, “Hi, Kelvs. Ito ang Tarantanong ko para sa'yo. Mas gusto mo bang ka-love team si Beauty kaysa sa akin? Good luck.”
Sagot ni Kelvin, “No.”
Paliwanag naman niya, “Wala naman din akong paboritong leading lady o katrabaho kasi ako nasa stage pa ako na nag-e-explore, gusto kong makatrabaho lahat. Parang walang tinutukoy na specific.”
Naging katambal ni Kelvin si Mikee sa fantasy-romance series na The Lost Recipe, kung saan gumanap sila bilang Harvey at Apple. Binigyang buhay naman nina Kelvin at Beauty ang mga karakter na sina Marcus at Bridgette sa afternoon drama anthology na Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette.
Panoorin ang “Tarantanong” segment sa Mars Pa More video sa ibaba.
Para sa marami pang celebrity features tulad nito, patuloy na subaybayan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA.
Samantala, tingnan ang handsome at stylish looks ni Kelvin Miranda sa gallery na ito.