GMA Logo Kelvin Miranda, Miles Ocampo in Missed Connections
PHOTO COURTESY: GMA Network + milesocampo (IG)
What's Hot

Kelvin Miranda, masayang nakatrabaho si Miles Ocampo sa pelikulang 'Missed Connections'

By Dianne Mariano
Published June 3, 2023 11:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'Steel Ball Run: JoJo's Bizarre Adventure' to release first episode in March 2026
My Chemical Romance moves Asia show dates to November 2026fa
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Kelvin Miranda, Miles Ocampo in Missed Connections


Ayon kay Sparkle actor Kelvin Miranda, magaan katrabaho at mapagbigay na co-star ang aktres na si Miles Ocampo nang gawin nila ang pelikulang 'Missed Connections.'

Mapapanood na ang Sparkle star na si Kelvin Miranda at ang versatile actress na si Miles Ocampo sa bagong Netflix romance film na Missed Connections.

Sa naganap na press conference para sa nasabing pelikula, ibinahagi ng aktor na ito ang unang pagkakataon na nakatrabaho niya si Miles sa isang proyekto. Labis din ang pasasalamat ni Kelvin sa kanilang pelikula at sa suporta na ibinigay sa kanya ng GMA Network at ng mga taong malapit sa buhay niya.

PHOTO COURTESY: GMA Network

Thankful din si Kelvin na nakuha niya ang role bilang si Norman sa pelikula matapos sumalang sa audition.

Ayon kay Kelvin, masaya ang kanyang karanasan na makatrabaho si Miles sa Missed Connections at humanga ang aktor sa pag-arte ng kanyang co-star.

“Very natural 'yung delivery ng mga lines [niya]. Masaya akong naka-work siya kasi sobrang natural niya umarte and kuwela. Magaan siyang katrabaho kasi hindi siya madamot e. Kung mayroon siyang maibibigay, ibibigay niya 'yun sa 'yo,” aniya sa interview ng GMANetwork.com.

Ibinahagi naman ni Kelvin ang aral na matututunan ng mga manonood mula sa Missed Connections.

"Kapag mayroong kang faith, 'wag mong babasagin 'yon kasi hindi lahat ng bagay sa buhay natin na darating ay mananatili. Mayroong aalis pero mayroon ding papalit na mas maganda doon sa nakaraan. Gano'n 'yung natutunan ko noong nabasa ko 'yung buong script. Trust your faith,” pagbabahagi niya.

Samantala, nagpapasalamat din si Kelvin sa mga proyektong ipinagkakatiwala sa kanya at nangakong gagawin ang lahat ng kanyang makakaya para sa pagmamahal sa kanyang trabaho bilang aktor.

“Walang hanggang pasasalamat po 'yun kasi 'yung mga nagiging proyekto ko po, para sa akin, nakatatak po 'yan sa isip ko, habang buhay na po siyang nandiyan. Forever ko po 'yun ipagpapasalamat habang ginagawa ko itong work ko is ibibigay ko po 'yung hinahanap at nararapat para sa pagmamahal ko sa craft ko," saad niya.

Bukod sa Missed Connections, kabilang din si Kelvin sa cast ng upcoming action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, na pagbibidahan nina Ramon “Bong” Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins.

SAMANTALA, TIGNAN ANG HANDSOME AT STYLISH LOOKS NI KELVIN MIRANDA SA GALLERY NA ITO.