
Tinuturing na isa sa hottest bachelors sa show business ngayon ni Kelvin Miranda.
Matapos gumanap bilang Adamus sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, lalo pang sumikat ang Sparkle actor at sunod-sunod din ang nakuhang endorsements.
Matatandaan na noong Marso 2025, isa sa mga pinag-usapan online ang pagrampa ni Kelvin sa Body of Work fashion event ng clothing brand na Bench, kung saan ipinakita niya ang buff physique.
Kaya hindi maiwasang maging curious ang iba kung ang Kapuso male personality nakakatanggap din ng indecent proposal.
Isa ito sa mga pinag-usapan nang bumisita si Kelvin Miranda sa Your Honor.
Pag-amin niya, “Nagkaroon ako ng indecent proposals, oo. Hindi ko naman tinatanggi yan."
Sumunod na tanong ni Chariz Solomon, “Paano nagre-reach out yung mga ganun?”
Sagot ng binatang aktor, “Siguro sa ibang tao pinadadaan, 'tapos anonymous talaga, anonymous.”
Sinegundahan naman ni Buboy Villar nang tanong na: “Ano 'yung sinasabi nung tao na 'yun?”
Tugon ni Kelvin, “Siguro magsisimula sa gusto kita tulungan. Tulungan kita sa ganyan bagay. Tapos, siyempre ini-entertain mo 'yung tao. Sabi ko, 'parang napapansin ko napapadalas sa akin 'yung tulong nito may something ba?'
“Pag tinanong ko na 'yun o nag-offer, instinct ko na 'yun, impoktiro ako kung sasabihin ko sa 'yo na tumutulong ako para sa wala. Totoo 'yun kahit ako minsan talaga sinasabi ko, gusto kitang tulungan kasi gusto ko maging mabuting tao. May kapalit pa rin siya hindi dahil sa walang kapalit, kalokohan 'yun.”
Matalas din ang pakiramdam niya na kapag tumanggi sa indecent proposal, napapansin niyang nag-iiba ang kilos ng tao.
Dagdag na kuwento ni Kelvin, “Kapag hindi nagtugma 'yung energy n'yo, may off beat, nararamdaman mo, 'Uy, may something sa kilos nito ah, kasi hindi ako pumayag.'
“Hindi siya tampo effect. Makikita mo talaga 'yung lenguwahe nung katawan niya, kahit nito sabihin parang basang-basa ko na hindi siya sang-ayon. Hindi niya gusto 'yung nangyari or kinalabasan nung proposal or nung kinalabasan ng ginawa niya.”
Umamin din si Kelvin na nakatanggap siya ng indecent proposal mula sa ilang babae, at kahit sa mga gay.
“Ngayon, kapag alam ko na may mga ganiyang proposal or may taong gusto tumulong sa akin. Siyempre, sino ba naman ang taong saradong-sarado o masyadong mataas 'yung wall. Mahilig ko mag-entertain ng tao, which is pasok ko sa pagkatao ko na magaling ako makisama.”
Binigyan diin naman Kapuso actor na mas pinipili na lang niyang huwag i-entertain ang mga nag-o-offer. “Hindi para sabihin ko sa 'yo negatibong tao ka at hindi ako naniniwala sa hindi ka puwede magbago or what, so, parang naramadaman ko na okay hindi ko na lang siya ie-entertain kumbaga.”
Source: Your Honor
Related gallery: How celebrities react to indecent proposal