
Si Kelvin Miranda ay nag-shoot para sa mukbang issue ng isang independent lifestyle magazine.
Ang Parcinq magazine ay isang independent PH-based online entertainment portal tungkol sa Asian pop culture. Sa feature ni Kelvin para sa magazine ay una niya raw nasubukan ang mukbang at ASMR.
Ang ASMR ay ang autonomous sensory meridian response. Sa video na ito ay sinubukan ni Kelvin ang ilang Asian dishes at snacks.
Kuwento ni Kelvin, masaya ang kaniyang experience sa shoot na ito.
Photo source: Parcinq
"Masaya ang naging experience ko sa shoot namin, as in. Para lang kaming naglalaro. Magkakasundo rin kasi kami ng team e. Feeling ko isa sa rason kung bakit magaan na ang experience dahil naka-work ko na sila before."
Dugtong pa ng Kapuso actor, "Siyempre 'di ko malilimutan 'to dahil first time ko nag-mukbang sa mga shoot at gumamit ng ASMR mic. Sobrang iba sa feeling."
Ayon kay Kelvin, dapat panoorin ang video dahil sa mga kuwento niya at good vibes na hatid nito.
"More on tungkol sa sarili ko e and experiences sa life. Dapat talagang panoorin nila. Meron din namang mga kalokohang tanong and kung anu-ano. Good vibes lang."
Ang feature ni Kelvin ay inihalintulad niya sa isang shoot ng commercial.
"Kakaiba ang photos kasi ngayon lang talaga ako nag-shoot na para akong nag-shoot sa commercial."
Ang bagong cover na ito ay isa lamang sa mga magkakasunod na ginawa ng aktor ngayong taon. Para kay Kelvin, puno siya ng pasasalamat sa tiwala at suporta na ibinibigay sa kanya.
Photo source: Parcinq
"Nakakatuwa at siyempre nagpapasalamat ako dahil pinagkakatiwalaan ako ng mga producers, photographers, glam team at mga taga suporta na nag-aabang sa mga magazines na kinabibilangan ko."
"Sana hindi sila magsawa sakin na suportahan at pagkatiwalaan ako." pagtatapos ng aktor.
Panoorin ang mukbang feature ni Kelvin dito:
Tingnan naman ang stylish looks ni Kelvin sa gallery na ito: