GMA Logo kelvin miranda
Source: iamkelvinmiranda/IG
What's Hot

Kelvin Miranda, muntik nang ma-scam sa pekeng audition

By Kristian Eric Javier
Published August 1, 2025 6:55 PM PHT
Updated August 2, 2025 11:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Two high-speed trains derail in Spain, broadcaster reports 5 people killed
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

kelvin miranda


Humingi ng tulong si Kelvin Miranda para makilala ang scammer-director na nagpa-audition sa kaniya.

Muntik nang ma-scam sa isang pekeng audition si Encantadia Chronicles: Sang'gre star Kelvin Miranda nang mag-message at video call pa ang isang nagpapanggap na direktor.

Sa Facebook, nag-post ng screenshots si Kelvin ng usapan nila ng isang direktor diumano na si Matthew, at isa pa na nagpapanggap naman bilang si GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes. Nag-post din siya ng recording ng boses ng nagpapanggap na direktor, at tinanong kung sino ang nakakakilala dito.

“Hello Everyone!! Sharing this for AWARENESS. Kung sino man nakakakilala sa boses nito ipagbigay alam niyo lang para magawan ng agarang aksyon at maiwasan ang mga ganitong pangyayare,” pagbabahagi ni Kelvin.

Kwento ng aktor, natutulog siya noon nang gisingin siya ng kaniyang ina dahil sa tawag ng kaniyang manager para umano sa isang proyekto na galing mismo kay Atty. Annette.

“Sinubukan kong i entertain baka sakaling totoo, pero kailangan sa “DAW” PRIVATE PLACE kasi nga daw Bold and Dark and tema ng pelikula na ipapasa daw sa New York International, blah blah. Nung sinabi kong will ask the management bigla niyang binaba at nag message ulit si Miss Annette “Daw,”” sulat ni Kelvin.

Pagpapatuloy ng aktor, nahihiya man ay tumawag siya kay Sparkle First Vice President Joy Marcelo, at nag-message pa sa personal account ni Atty. Annette para kumpirmahin ang naturang project. Dito, napatunayan ni Kelvin na hindi iyon totoo.

“Naisip ko i-record yung susunod na call para kahit na pa-paano ma recognize yung boses nung taong nagpapanggap bilang Executive at DIREKTOR MATTHEW “DAW” na hindi ko pa naririnig sa buong buhay ko sa showbiz industry na may Direk Matthew,” sulat ni Kelvin.

Pinuna din ni Kelvin ang paraang ng pagpapa-audition sa kaniya na casting call sa isang private room para sa ipapagawang eksena sa kaniya. Kaya naman, malaki ang pasasalamat niya na natuto siyang kumilatis at makiramdam ng mga taong totoo at nagpapanggap lang bago pa siya pumasok sa industriya.

TINGNAN ANG CELEBRITIES NA GINAMIT ANG PANGALAN PARA IPANG-SCAM SA GALLERY NA ITO:

Sa huli ay nagpaalala si Kelvina na maging maingat, “Mag ingat kayong lahat lalo sa panahon ngayon, maraming halang ang kaluluwa parang maisakatuparan ang kanilang hangarin kahit na ito ay panlalamang at puno ng kasamaan para sa kapwa din nilang nilalang.”

Nag-iwan din ng mensahe si Kelvin sa nagpapanggap na direktor, “Kung sino ka man na nasa likod tong panglolokong ginagawa mo. Tandaan mo kung nakakatakas ka man at napagtatagumpayan mo ang ibang panlolokong ginagawa mo, i-enjoy mo na habang nabubuhay ka dahil may nag aabang sayong parusa hindi sa katawang lupa mo mas higit sa kaluluwa mo.”