GMA Logo kelvin miranda
What's Hot

Kelvin Miranda, nag-react sa 'Adamus, diligan mo naman ako' comment

By Kristine Kang
Published July 22, 2025 12:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Two people killed in Brown University shooting —mayor
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

kelvin miranda


Labis ang pasasalamat ni Kelvin Miranda sa mga dumalo sa 'The Sang'gre Experience' event.

Mula online hanggang sa live audiences, ramdam na ramdam talaga ang pagmamahal at suporta ng fans kay Kapuso star Kelvin Miranda!

Sa ginanap na The Sang'gre Experience event, ramdam ang init ng pagtanggap ng netizens mula sa Upper Ground B hanggang sa iba pang floors sa Quantum Skyview ng Gateway Mall 2 sa Quezon City.

Hindi alintana ang panahon o haba ng pila, dinagsa pa rin ang mga tao para masilayan ang kanilang mga paboritong Sang'gre stars.

"Siyempre 'yung pagpunta rin nila dito hindi biro dahil merong bagyo at iniwan nila ang kani-kanilang mga bahay para ipakita ang suporta nila sa buong Encantadia," pahayag ni Kelvin sa panayam ng GMANetwork.com.

"Kaya labis at lubusang pasasalamat namin sa kanila. Kung hindi rin naman dahil sa kanila, hindi rin naman mabubuo ganitong isang klaseng event na para rin sa kanila. Sana magkaroon pa tayo ng ganitong event para maipakita ang pagmamahal natin sa mga sumusuporta."

Bukod dito, pinag-usapan din online ang Kapuso actor sa kanyang Kapuso Profiles feature. Isa sa mga pinusuan ng fans ang nakatatawang “Adamus, diligan mo naman ako” teaser, kung saan literal diniligan niya ang camera bilang sagot sa isang nakakatuwang fan request.

"Masaya ako na natuwa ang netizens sa ginawa nating video. Gusto ko na talaga siya gawin before pa and natuwa ako doon sa ideya na ginawa siya ng Kapuso Profiles shoot para mapagbigyan ang netizens natin," ani Kelvin.

"Ano lang ba, kulitan. Masaya ako sa naging outcome kaya gumawa pa tayo ng maraming [fun videos]."

Sa ngayon, umabot na sa 1.4 million views sa social media ang pinag-uusapang clip. Pinusuan din ng netizens ang kanyang exclusive Kapuso Profiles Sizzle Reel at photo set.

Dahil sa pagiging patok nito, pabirong binati ni Kelvin ang mga dumalo sa The Sang'gre Experience event: "Avisala sa inyong lahat, ako si Kelvin Miranda, ang bagong tagapagdilig..."

Tingnan ang ilang 'pogi' shots ni Kelvin Miranda sa gallery na ito:

Patuloy mapapanood si Kelvin Miranda sa Encantadia Chronicles: Sang'gre. Tuwing 8:00 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream; at 9:40 p.m. sa GTV. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Samantala, silipin din ang exclusive Kapuso Profiles feature ni Kelvin Miranda sa GMANetwork.com/KapusoProfiles.

Balikan ang ilang comments ng fans sa nakakatuwang video ni Kelvin Miranda: