
Isang kuwentong puno ng inspirasyon ang hatid ng GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Hindi lamang para sa mga manonood kundi pati na rin sa New-Gen Sang'gres na sina Faith Da Silva, Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Bianca Umali.
Sa kanilang pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi ng apat na Sang'gres ang kanilang mga karanasan, realizations, at inspirasyong nakuha nila habang ginagawa ang serye.
Isa sa mga tumatak ang kuwento ni Kelvin na gumanap bilang Sang'gre Adamus, ang kauna-unahang lalaking Sang'gre sa superserye. Ayon sa aktor, naging malaking bahagi si Adamus sa kanyang karera at personal na buhay.
"'Yung Encantadia naging malaking bahagi siya ng buhay ko. Kasi noong bago nagsimula ang Encantadia, nawawala talaga ako ng tiwala sa sarili ko. Pero [nang] nag-simula kaming ma-cast and nagsimula na 'yung Encantadia, naramdaman ko na kaya ko pa pala na may tiwala pa pala ako sa sarili ko, sa kakayahan ko. Unti-unti rin ulit lumawak at nagkaroon ng kulay 'yung pananaw ko sa industriya," pahayag niya.
Malaki ang naging papel ng kanyang karakter sa paghubog ng kanyang dedikasyon bilang aktor. Sa kabila ng mga hamon sa set at sa kanyang personal na buhay, naging inspirasyon si Adamus para maging matatag at ibigay ang kanyang best sa bawat eksena.
Samantala, sa usapin ng mga posibleng pagbubukas muli ng Encantadia, tinanong ni Boy Abunda si Kelvin kung sino ang nakikita niyang maaaring sumunod sa kanyang yapak bilang Adamus.
Para sa aktor, may isang batang artista na agad na pumasok sa kanyang isipan.
"Ako, sa totoo lang, bata pa lang si Heath na ang hinahangaan ko na 'yon. Kasi friend ko siya sa Facebook eh [so] sila ng tatay niya sa mga videos nila ng martial arts. Magaling 'yung bata sa martial arts. I think Heath would be the best," ani Kelvin.
Huwag palampasin ang epic finale week ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Samantala, narito ang ilan sa mga dapat pang abangan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre: